Chapter 15

3.4K 129 82
                                    

REIKO

ISANG LINGGO akong naging busy dahil sa exams week. Grabe, ang sakit sa ulo ng mga exam. Parang wala naman kasi sa itinuro ng mga teacher.

Sa dinami dami ng notes and reviewer parang one percent lang ang nasa exam. Nasaan ang hustisya?

"Feeling ko bagsak ako." Sabi ni Ciara. "Nakakainis, binasa ko naman lahat ng nasa lecture notes pero kaloka wala man lang lumabas sa exam. Ano 'yun, magic?"

Natawa na lamang ako. "Huwag kang mag-alala, besty. Hindi ka nag-iisa. Feeling ko bagsak rin ako."

"Ikaw naman kasi besty, puro landi inatupad mo. Ako kasi nag-aral talaga." Sabi ni Ciara.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Wow, hiyang hiya naman ako sa 'yo besty. Hindi mo ba alam ang tinatawag na stock knowledge?" Sabi ko.

Tumawa siya. "E anong nangyari? Na-stuck na ba?"

Umingos ako. "Tse! Huwag mo akong kausapin." Pagtataray ko.

"Patay talaga tayo nito. Bakit naman kasi gano'n si Ma'am 'no? Ano bang trio niya para mag-exam na wala naman sa notes. Ine'expect ba niya na makakapasa tayo kapag gano'n? Parang gusto tlaga niya tayong bumagsak e."

"Ewan ko ba. Basta lagot ako kay Mom kapag may bagsak ako. Ngayon palang umaasa na ako sa re-take."

"Kahit 75 lang makuha ko besty ayos na e." Sabi ni Ciara.

Kahit ako, jusme!

"Princess Reiko!"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses niyon. Si Theo Dean.

"Hi, pogi!" Bati ni Ciara kay Dean.

"Hi, Ciara. Pwede ko bang hiramin muna si Princess Reiko?"

Nagkatinginan kami ni Ciara.

"Bye besty! Una na ako pauwi!"

Supportive friend. Wala akong masabi. Agad agad akong iniwan. Wala man lang excuse.

"Tara?"

"Huh? Saan?" Wala akong matandaan na may usapan kami ngayon.

"Hindi ka ba kasama sa party?"

Kumunot ang noo ko. "Party saan?"

"May pa-party sa bahay nina Kenzo. Well, dahil daw tapos na ang exams kaya nagkayayaan."

Kina Kenzo so it means...

"Hindi ka ba niyaya ng Shinwoo triplets? Sa pagkakaalam ko invited din ang section niyo."

"Ah, wala e?" Sabi ko.

"You can still come with me." Sabi niya.

Umiling ako. "Hala, nakakahiya. Hindi naman ako invited."

Wala akong nababalitang may pa-party sa mga Shinwoo.

Tumunog ang phone ko kaya dinukot ko 'yon sa bulsa ko.

"Excuse." Sabi ko kay Dean saka sinagot ang tawag.

Si Ciara.

"Besty! My gosh! Wala akong kaalam alam na may party pala tonight kina Kenzo! Waaaa! Punta tayo ha?"

What? Alam niya agad? Etong bestfriend ko iba rin talaga e. Dinaig si Aling Marites. "Sinong nag-invite sa 'yo?" Tanong ko.

"Duh! Kakatingin ko lang sa group chat ng section natin. Nagsend ng message do'n iyong class president natin. Invited daw ang section natin sa party. Eight pa daw ang start so magpapaganda muna ako para maakit na sa akin nang tuluyan si Kenzo ko. See you later, besty!"

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Sep 18, 2021 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

One-sided LoveOnde as histórias ganham vida. Descobre agora