Chapter 8

26.3K 755 589
                                    

REIKO

KINAKABAHAN ako ngayon dahil papunta akong guidance office. Sabi ni Tita Fancy susunod daw siya kasi may kailangan muna siyang daanan.

Hindi naman sa hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko pero kasi, first time ko 'to. Kahit naman super bad ni Kuya Miko before dito sa SWU, hindi naman ako gano'n e. Kay Mom kaya ako nagmana.

Kumatok ako sa guidance office bago pumasok.

Nakagat ko ang labi ko nang nasa loob na pala si Glecy at iyong feeling ko nanay niya na masamang nakatingin sa akin.

"Goodmorning, Ma'am." Bati ko sa guidance counselor.

"Anong maganda sa umaga, iha?" Tanong nung nanay ni Glecy.

Manang mana e. Kaya pala ganyan ugali ng Glecy na 'yan. Lakas ng genes ng nanay niya.

Umupo na ako sa kaharap na upuan nina Glecy.

"Reiko, nasaan ang guardian mo?" Tanong ni Miss Minchin. Iyong guidance couselor ng school.

"Ah, ma'am, on the way palang po." Sagot ko.

Tumingin ako kay Glecy at inirapan pa ako. Humanda siya mamaya sa Tita Fancy ko!

"So kami pa ang mahihintay? Pa VIP naman yata 'yang guardian mo, iha?" Sabi ng nanay ni Glecy.

"Hindi naman po. May dinaana---"

"Wala akong pakialam. Ang point ko dito is pinaghihintay niya ako! Hindi ba niya ako kilala? Mayor ang asawa ko!"

I rolled my eyes. Mayor ang asawa niya? Then hello, satan ang tatay ko at may tita din ang demonyita.

Parang wala man lang magawa si Miss Minchin sa nanay ni Glecy. Ang daming sinasabi. Akala mo naman talaga! Ako nga kahit mayaman at kaibigan ng family ko ang may ari ng school, hindi ko pinagmamayabang kahit kailan. Sila naman, mayor lang ang asawa akala mo na kung sino.

Hindi ko nalang sila sinagot. Baka kasi mawala iyong galang ko sa nanay ni Glecy.

"Mama, naiinip na ako. Dahil sa tagal ng guardian niya, hindi tuloy ako makaka-attend ng first class ko." Sabi ni Glecy.

"Don't worry baby, tuturuan ko sila ng leksyon saka isusumbong ko sila sa Papa mo, ha? Remember, Papa mo ang Mayor sa lugar na 'to. Hindi katulad niyang classmate mo na 'yan. Sino ba ang pamilya niyan?" Tumawa pa ang nanay ni Glecy

Wow naman. Para namang nag-aaral talaga si Glecy e puro landi lang naman alam niya. Kaunting timpi pa.

Tumingin ako kay Miss Minchin at nakatingin pala siya sa akin. Iyong tingin na parang humihingi ng paumanhin. Don't tell me natakot siyang suwayin ang nanay ni Glecy kasi asawa niya ang mayor dito?

"Okay, Mama. Thank you talaga kasi hindi mo ako hinahayaang maapi dito."

I rolled my eyes. Siya pa talaga ang inaapi? E napaka bruhilda niyan at feeling sikat.

Bumukas ang pinto at nag-twinkle-twinkle iyong mga mata ko nang si Tita Fancy na ang dumating. She's so pretty!

"Tita!" Tawag ko sa kaniya.

She walks like a goddess palapit sa amin.

"Fancy Abellano?" Parang nagulat pa si Miss Minchin. Bakit kaya?

"Hi, Miss Minchin! Missed me? Remember lagi akong narito when I was in college. OMG! I missed this office." Sabi ni Tita Fancy.

Lagi ba siyang naga-guidance noon? Inaapi ba si Tita Fancy dati?

"May pinagmanahan naman pala." Sabi nung nanay ni Glecy.

"Are you her mother or yaya? Or julalay? Like omg, you're so plain." Sabi ni Tita Fancy sa nanay ni Glecy. "And you were saying... may pinagmanahan? What? Are you insulting my niece?!"

One-sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon