𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 5

3K 69 11
                                    

𝐊𝐈𝐄𝐑𝐀’𝐒 𝐏𝐎𝐕

    Bumaba na ako ng jeep at naglakad na papasok ng ospital. Binilisan ko ang paglalakad ko dahil nakakahiya kay Doc Dwight.

    As per Klarisse, nasa lobby daw sila ng upper ground floor kaya agad akong nagtungo doon. Pagkasampa ko ng upper ground floor, huminga muna ako ng malalim para ikalma ang sarili ko dahil sobra akong kinakabahan sa resulta ng CT scan ni Papa.

     Ang daming pumapasok sa isip ko. Parang sasabog ito.

    Mula sa malayo natanaw ko na sila Mama na may kausap na doktor at nakatalikod sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pero sigurado akong si Doc Dwight iyon. Pamilyar rin ang pangangatawan nito.

    Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa direksyon nila.

    “He has a brain abscess due to tooth infection and he needs to undergo a brain surgery as soon as possible.” Rinig kong saad ni Doc Dwight.

    “Brain surgery?” Reaksyon ko kaya napalingon sa akin si Doc Dwight at bumilis ang tibok ng puso ko nung makita ko ang mukha niya.

    “Ate—” sambit ni Klarisse pero hindi ko lang ito pinansin dahil pa rin sa pagkabigla. Tumayo ito at inilahad ang kamay para makipagkilala na para bang hindi kami nagkasagutan kanina.

    “Dr. Nathaniel Dwight Hernandez,” pakilala nito sa sarili niya. Nakatulala lang naman ako. “Aulhexa’s brother.”

    Totoo ba? Kuya ni Aulhexa ’tong tukmol na ’to?

    Ilang minuto ko pa siyang tinignan bago ako nakabawi at tinanggap ang pakikipagkamay niya.

    “Kiera,” pakilala ko. Agad rin akong bumitaw at nag iwas ng tingin dahil naiilang ako.

    “Anak, mabuti at nandito ka na. May sinasabi si Doc Dwight,” nag aalalang saad ni Mama.

    Natahimik lang naman ako dahil wala na ako sa konsentrasyon kaya itinuloy niya na ang iba niya pang gustong sabihin.

    Muli itong bumaling kay Mama. “Mabuti nga po at na-assess ng maaga si Tito Gener kaya nakita agad ’yon.”

    Sa wakas nagkaroon na ako ng lakas ng loob na magsalita kahit nanlalambot ang mga tuhod ko. “Bakit po may brain surgery akong narinig?”

    Bumaling ito sa akin nang may pag aalala.

    “Kailangan kasi ’yon para mawala ang mga nana sa utak ni Tito, dahil kung hindi, kakalat pa 'yon, puwede siyang ma-comatose or worst—” hindi na nito itinuloy ang sasabihin nito dahil naintindihan naman na agad namin iyon at kitang kita na niya kung paano kami manlambot.

    Tinignan ko si Mama na nakahawak na sa tuhod niya at nilalabanan ang pag alpas ng luha niya sa mata niya pero huli na ang lahat. “Ano ba itong nangyayari sa atin?”

    Mabuti na lang at katabi ni Mama si Klarisse kaya agad siyang inalo nito. Dahil ayokong makita siyang nagkakagano’n at ayoko ring makita nila akong nanghihina, nagpaalam ako sa kanila.

    “Ma, labas po muna ako. Magpapahangin lang.” Paalam ko. Hindi ko na rin hinintay ang sagot nila at tumalikod na ako saka walang lingon lingon na umalis doon.

    Lumabas muna ako at dumiretso sa hardin ng ospital kung saan may ilang mga pasyente na nagpapahangin kasama ang kaniya kaniya nilang nurse at bantay.

    Umupo ako sa isa sa mga bench doon at natulala na lang hanggang sa hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko at lumalakas na ang hikbi ko. Hindi ko na alam kung ano pang mararamdaman ko. Nakakamanhid na.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDWhere stories live. Discover now