𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 15

2.6K 55 7
                                    

DWIGHT'S POV

Napangiti ako nung mabasa ko ang reply ni Kiera saka nagmadaling maligo at nagbihis. Nagsuot lang ako ng black jeans at gray sweatshirts saka nag sapatos.

Pagkatapos kinuha ko na ang cellphone, helmet, wallet, at susi ng motor ko saka bumaba sa parking namin.

Minadali ko ang kilos ko dahil anong oras na rin, maaga pa kami aalis ni Kiera bukas.

Sumakay na ako ng motor ko at umalis na. Habang nagmamaneho, hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Howard sa GC.

'My wedding is cancelled. Let's hang out! '

Napailing ako. Ikakasal na dapat si Howard next month, with his longtime girlfriend, who happens to be his ex-girlfriend now.

Tangina! Ano na namang ginawa mo, Agatha? 7 years tapos gano‘n lang?

Dalawang oras ang byahe bago makarating sa High & Chill club mula sa mansiyon namin pero isa't kalahating oras ko lang binyahe iyon dahil sa binilisan ko ang pagpapatakbo ko.

Ipinark ko na ang motor ko at pumasok na sa club saka hinanap sila Howard. Agad ko rin silang nakita sa isang bar counter.

Nung makalapit ako nakita kong sapo ni Howard ang noo nito at nakayuko ito. Mukhang lasing na, alas dyes na kasi.

Nag feast bump kami ni Kevin nung makalapit ako sa kanila nasa kaliwang bahagi siya ni Howard.

Nasa ibang bansa si Evo dahil may guesting ito sa isang variety show habang si Von naman ay may flight. Ayos na kaya yung gago na ‘yon? Si Luke lagi namang MIA ‘yon lalo na ngayong may asawa na siya, si Drake naman wala na akong pakialam kung nasaan ‘yon. He left our group after what he did to me.

Tinignan ko ang ininom niya at nanlaki ang mata ko.

“Fuck bro, bakit ‘yan yung ininom niyan?” Tanong ko kay Kevin. It was one of the strongest liquors in the world, spirytus.

“Gusto daw makalimot.” Simpleng sagot ni Kevin, "balak rin ata mag suicide."

Napatango ako saka namin nakita si Howard na nagsalin ng alak, bumaling sa akin saka binigay iyon.

“Bro, salamat pumunta ka..” lasing nang sabi nito. Tinanggap ko ‘yon at nagtoast kami bago uminom pero hindi ko inubos iyon dahil nakamotor ako at sinabihan ako ni Kiera na mag ingat.

“What happened?” Tanong ko sa kaniya. “Ano na naman ang ginawa ni Agatha?”

Mapait lang itong ngumiti saka sumagot. “It‘s not her. It's me.”

Tahimik lang na nakikinig si Kevin habang umiinom.

I sighed. He's not ready to talk about that, so we respect that. He just needs a companion.

Umupo ako sa stool chair at tinignan lang namin siya, para maramdaman niya nandito lang kami katulad nang nando‘n siya sa tabi namin nung panahon na kami naman ang nangangailangan ng kausap.

“Congratulations ah,” sabi nito sa akin. “I heard you have a new girlfriend. Nawa‘y lahat.”

Napailing lang ako saka natawa.

“Buti pinayagan kang pumunta dito?” Biro pa nito.

Ngumiti ako. Hindi ko rin inexpect na gano‘n si Kiera. “Well, she's not Yvonne.”

Tumango lang ito at nagpatuloy lang sila sa pag-inom.

“Bakit parang sinumpa tayo na magkaganito mga buhay pag-ibig natin?” Napaisip ako sa sinabing ‘yon ni Howard. Bakit nga ba?

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDWhere stories live. Discover now