𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 32

3K 58 33
                                    

𝐊𝐈𝐄𝐑𝐀'𝐒 𝐏𝐎𝐕

Nakatingin lang ako sa kaniya. Pagkatapos ay napakurap-kurap. Nag iwas ng tingin saka muling bumaling sa kaniya habang nakakunot ang noo.

"Seryoso ka ba, d'yan?" naguguluhan pa rin ako. "I mean paano nangyari? Pamilyar lang yung mukha mo sa'kin kanina kasi alam kong nakita na kita dati pero hindi ko matandaan kung saan."

"'Masyado ba akong gwapo para maging pamilyar sa'yo?" nakakapanlokong ngumisi ito saka ako pinagmasdan.

Naguguluhan talaga ako.

"Gulong gulo 'yarn?" Muling saad nito saka tumawa.

"Ako naaalala mo, si Dwight hindi? I felt special na talaga!" niyakap pa nito ang sarili niya.

"Ano?" Hindi ko kasi talaga siya maintindihan.

He rolled his eyes and sighed.

"Do you remember the incident at Clifford Academy gymnasium. 6 years ago?"

Biglang pumasok sa alaala ko ang ilang senaryo na kinalimutan ko na dahil sa pag aakalang hindi ko naman na makikita ang lalakeng iyon.

Napatakip ako ng bibig. "OMG! 'Wag mong sabihin na si Dwight ang nahalikan ko?"

Itinigil niya ang paghithit niya ng vape saka sumandal sa bench saka sumeryoso dahil tila naiinis na siya sa akin na kanina ko pa hindi maintindihan ang sinasabi niya.

"Ako.. ako ang lalakeng nakita ng aksidenteng paghalik mo kay Dwight."

Tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig ko dahil bumilis ang tibok ng puso tulad nung nangyari nung unang araw na makita ko si Dwight sa gymnasium ng school namin.

"Si Dwight nga 'yon.."

Simpleng ngumiti lang ito. Halatang natutuwa sa itsura ko.

Hindi ko lang pinansin iyon dahil nakafocus ako sa nararamdaman ko ngayong nalaman ko na yung unang taong nakapagpabilis ng tibok ng puso sa unang pagkikita namin ay siya ring taong minamahal ko ngayon ng patago.

6 YEARS AGO..

"Oy, Ke 'di ka ba uuwi?" tanong nung kaklase kong si Arriane nung makalabas kami ng classroom at matapos ang first subject namin namin.

"Hindi e. Pupunta na lang muna ako ng library. Magbabasa muna ako para sa report ko next week.

"Gano'n? Aayain ka sana namin mag mall e. Sale daw ngayon doon." Aya niya.

"Kahit naman sale, wala rin akong pambili." Tawa ko ganoon rin naman siya.

"Sige, next time na lang ah." Paalam niya na siyang tinanguan ko lang at iniwan niya na ako.

May tamang oras para sa pagsasaya. Magri-research muna ko para sa report ko para hindi ako ma-rush.

Naglakad na ako at mabilis na nagtungo sa Library.

Naghanap na ako ng mauupuan nung makapasok ako sa library at maturn over ko na ang mga gamit ko sa librarian.

Nandito ako para mag research tungkol sa neural system para sa biological science subject namin.

Parts of the human brain ang nabunot ko na ire-report ko next week kaya naman. Nagtungo na ako sa aisle kung nasaan ang mga science books.

Nagtingin tingin lang ako doon nung makita ko ang book na hinahanap ko kaso nasa mataas na parte iyon ng book shelves kay tumingkayad ako pero hindi ko ito nakuha.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDWhere stories live. Discover now