𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 6

3.1K 64 14
                                    

𝐃𝐖𝐈𝐆𝐇𝐓’𝐒 𝐏𝐎𝐕

    “Pasensiya na Doc Dwight, kung naabala ka pa namin.” Paumanhin ni Tita Klaire.

    “H’wag n’yo na pong isipin ’yon. Wala po ’yon. Ang mahalaga nadala po agad dito si Tito Gener.” Saad ko na siyang tinanguan lang ng mga ito.

    Tinignan ko si Kiera na kinakausap si Tito Gener. Mabuti at nagkamalay na ito kaya nagkakilala na kami. He seems like a good father to them. He listen to his family. Naalala ko tuloy si Papá.

    “Magpapaopera ako pero hindi dito,” narinig kong bulong ni Tito Gener. “Mukhang mahal naman dito. Wala tayong pera pang gastos. Kukulangin yung medical insurance na bigay ng pinapasukan ko.”

    Tumikhim ako saka bahagya pang lumapit sa hospital bed kung saan bahagyang nakahiga si Tito.

    “Papa, hindi p’wedeng sa iba ka magpa opera kasi magagaling naman ang mga doktor dito, isa pa nand’yan si Doc Dwight,” may kompyansang saad ni Kiera. Hindi ko alam pero nakaramdam ng kasiyahan ang puso ko dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko nagtitiwala siya sa akin.

    “S’ya ang pinakabata at pangatlo sa pinakamagagaling na neurosurgeon dito sa Pilipinas. Actually, genius s’ya kasi natapos n’ya na yung college degree n’ya at the age of sixteen. Nakuha n’ya na rin yung AANS Cushing Award for Technical Excellence and Innovation in Neurosurgery ba ’yon? last year. Yung award na ’yon binibigay lang daw sa mga neurosurgeon na may natatanging serbisyo sa larangan ng neurosurgery. Kaya alam kong magaling na doktor s’ya. Hindi ka n’ya papabayaan.." Nilingon niya ako. “’Di ba Doc Dwight?”

    I was a little bit shocked. Saan n’ya nalaman ’yon? Did she asked?

    Ngumiti ako para itago ang pagkabigla kong iyon. Namulsa ako. “Opo, Tito, kami na rin po ang bahala sa gastusin dahil mayroon naman po kaming foundation dito. Wala na po dapat kayong ipangamba.”

    “Nakakahiya..” bakas nga sa mukha niya ang hiya.

    “Hindi ho, Tito. Kulang pa nga po ’yan sa ginawa n’yong kabutihan sa kapatid ko.”

    Napangiti ito nung mabanggit ko ang pangalan ng kapatid ko. “Napakabait rin kasi ng kapatid mo sa’min kaya tinuring ko na rin s’yang parang anak. Madalas nga kasama na namin s’ya sa budget ng pamilya namin,” nagtawanan sila. “S’yempre hindi ko rin kayang makita na nagugutom s’ya, kaya pinapadagdagan ko yung baon ni Kiera kapag napasok siya noon kasi wala namang pakealam yung madrasta ni Aulhexa sa kan’ya.”

    Nanlalambot ang tuhod ko sa narinig kong iyon. My little sister doesn’t deserve that. Kung nagawa ko lang s’yang protektahan noon, hindi n’ya sana nararanasan lahat ng ’yon pero nagpapasalamat ako kasi may pamilya Abrenica na nand’yan nung panahong wala pa kami.

    “Pang apat na anak namin ’yang si Aulhexa.” Masuyong dagdag ni Tita Klaire. Napakagat ako ng labi ko dahil doon. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang nanunubig na mata ni Kiera. She tried to hide it by glancing to the other side of the room.

    Sana hindi mawala sa alaala nila ang pagiging mabuting tao ng kapatid ko. I sighed then smiled.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon