𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 8

2.9K 67 4
                                    

DWIGHT'S POV

Hours past and we just found ourselves on the dance floor vibing the music with strangers.

Nararamdaman ko na yung kalasingan ko pero kaya ko pa.

Habang nasa dance floor kami nila Von at Evo, may lumapit sa aking babae na naka bandana tube na pinaresan ng sexy short, may itsura siya, sinayawan ako nito na siyang hinayaan ko lang.

"Hey, lover boy," Saad nito habang pinapagapang ang daliri sa dibdib ko pababa sa puson ko agad ko itong pinigilan. Ayoko ng malikot ang kamay ngayon. Gusto ko lang uminom ng uminom.

"Uh, uh,"Sabi ko dito.

Malanding ngumiti ito sa akin saka niya ako tinalikuran at idinikit ang katawan niya sa katawan ko. Base sa kilos niya she's used to it, para bang sanay na sanay siya sa club.

"What do you do for a living?" Tanong nito. Saka hinawakan ang kamay ko at iginaya sa beywang niya.

"Sorry, but I can't disclose." Bulong ko sa tainga niya. Sinabayan ko siya sa pagiging maharot niya.

"Hmm, I like that." Sabi nito. "So, mysterious."

Muli siyang humarap sa akin at ipinatong ang dalawang kamay niya sa balikat ko para sana halikan ako nung biglang may humila sa kaniyang lalake.

Natawa ako dahil doon.

"She's mine." Galit na saad nung lalake sa akin saka walang pag iingat na hinila yung babae.

Imbis na maawa, inis ang naramdaman ko dahil nakipagsayaw siya sa akin nang may boyfriend siya. Hinayaan ko lang sila magtalo sa harap ko.

Pumalag ang babae saka sinampal yung boyfriend niya, naagaw na nila ang atensyon ng ilan, kahit ni Evo at Von.

"Fuck off, cheater!" Sigaw nung babae at umalis na. Sinundan naman siya nung lalake.

Natawa ako dahil pumasok sa ala ala ko si Yvonne at Drake.

Pare pareho lang kayo.

Umalis na ako sa dance floor at umupo sa couch kung nasaan si Howard at Kevin na may tama na rin.

Inaantok na ako kaya isinandal ko muna ang ulo ko sa couch saka ako pumikit saglit nung maramdaman ko ang presensiya ni Evo at Von.

"Hoy, walang matutulog." Saad ni Von saka hinawakan ang bibig ko. Alam ko na ang gagawin ng dalawa, kaya nagkusa na akong ibuka ang bibig ko pagkatapos ibinuhos nila sa bibig ko ang alak agad kong nilunok ito.

Ganoon rin ang ginawa nila kay Kevin at Howard, pagkatapos no'n umalis sila sa table namin.

Masakit na ang ulo ko kaya tumayo muna ako at nagpunta ng CR para mahimasmasan kahit papaano.

Nung mahimasmasan ako. Bumalik ako sa table namin at muli akong uminom.

Pansin kong hindi gaanong nagpakalasing si Kevin pero panay pa rin ang sulyap niya doon sa table nila Haely, ganoon din si Howard. Sabagay ganiyan naman talaga 'yang si Kevin, hindi sumasagad sa inuman 'yan baka dahil na rin sa high tolerance siya sa alak.

“Matunaw 'yan.” Sabi ko sa kanila saka muling nagsalin ng alak sa baso ko at ininom ito.

Tumingin ako sa table nila Haely, at nakita kong lasing na ang mga ito at naglalaro sila ng spin the bottle-gamit ang bote ng alak na wala ng laman.

Lumingon ako Kevin. “The girl beside Haely, she seems familiar.”

"She's the sales agent who used to work to The Herndz Builders, 3 years ago." Sa wakas nagsalita rin si Kevin.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon