Chapter 8 The Return of the Queen

16 0 0
                                    

Sakura/Eunice's POV

"Hi everyone, it's been a long time", sabi ko then tried to give a genuine smile.

Hindi sila makagalaw sa kinatatayuan nila, para silang nakakita ng multo. Para sa kanila isa akong multo dahil matagal akong nawala and sa pagkaka alam nila ay patay na ako.

"SAM keep me posted on Two Hands' condition", sabi ko.

"Roger"

"H-how is it possible?", tanong ni Jasmin.

"Not here", sabi ko.

"Let's go to my quarters", dagdag ko then sumunod sila sa akin.

Sa binigay na quarters sa akin ni tito Sai ay ako lang ang nakakagamit, walang camera kaya malaya akong nakakagalaw, hindi agad malalaman ang identity ko sa quarters na ito. For five years ay tinago ko ang identity ko, pero sa loob ng almost isang taon na kasama ko siya as an agent sa tingin ko ito na ang tamang panahon para bumalik.

"Now, walang makakarinig sa atin", sabi ko.

"H-how?", takang tanong ni Belle.

"Before I answer your questions, please do me a favor. Don't tell Gab yet that I'm alive and I'm Sakura", sabi ko and made specified the word yet sa sinabi ko. Tumango naman sila bilang pagsangayon sa pabor ko.

"Ganito kasi iyon", sabi ko

Flashback

After I planned everything right, I followed all the plans laid out for this mission to impersonate Two Hands and end this bullshit here I am naka gapos at duguan vinivideo ng isang demonyong lalaki habang nakikita ko ang video ng mga importanteng tao sa akin sa harap ng isang maliit na telebisyon. Naririnig ko ang iyakan nila, dinig ko rin kung paano magwala ang aking ama na kakarating lang sa lugar. Hindi na kaya ng katawan ko ang bawat hampas ng baseball bat at ng kahoy sa katawan ko at biglang dumilim ang aking paningin.

Nakaramdam ako na para akong binubuhat at biglang bumagsak ang dalawang kamay ko. Para akong lumulutang ako at akala ko ay namatay na ako.

"You're safe now Euni", dinig kong boses ng isang lalaki na siya siguro ang bumubuhat sa akin.

Inihiga niya ako sa isang malaking lamesa at sinuot niya sa akin ang isang maitim na full suit na maluwang, after niyang masuot ay automatic itong naging fit sa katawan ko. Nakaramdam din ako ng pagtusok ng matulis na bagay sa akin kaliwang braso.

"This is adrenaline, para maka galaw ka", sabi niya sa akin.

Ramdam kong bumabalik na ang lakas ko sa katawan dahil na rin sa binigay na adrenalin sa akin, dinig ko na rin ang putok ng baril sa paligid. Maraming mga tao ang nakikipagbarilan at ang isa sa kanila ay pilit na pinoprotektahan ako.

"Can you walk?", tanong niya sa akin at tumango lang ako.

Medyo nangangalambot pa ako at malabo ang paningin kaya inaalalayan pa niya ako sa paglalakad. Habang akay niya ako palabas ng gusali kung saan ako dinla ng demonyong lalaking iyon ay pinalibutan kami ng mga kasamahan niya para protektahan kami, nakikipagbarilan sila pati na rin ang lalaking umaakay sa akin.

"SAM bring two cars at the entrance now", dinig kong sabi ng lalaking umaakay sa akin.

Lumilinaw na ang paningin ko kahit medyo madilim ay nakikilala ko na ang umaakay sa akin palabas.

"Gab, where we're we?", tanong ko sa kanya.

"No time to explain we'll get you out of here", sabi niya sa akin.

Hunt for the Shinobi Queen(Remake)Where stories live. Discover now