Chapter 11 Eunice's Problem

11 0 0
                                    

Eunice's POV

I'm at my night class and hindi ako makapag focus dahil sa nangyari noong last mission. Halos hindi ko maintindihan ang pinagaaralan namin.

"Ms. Dizon are you okay?", tanong sa akin ng prof ko.

"Yes sir", bigla kong sabi.

Nagpatuloy lang ang discussion pero hindi pa din ako makapag focus, I asked my classmate na magsend na lang siya ng copy ng powerpoint presentation ni sir dahil hindi talaga ako makapag focus. Last subject na namin so lumbaas na ako at naglalakad na papuntang parking lot to get my car.

"Eunice!", sigaw ng isang babae, lumingon ako at nakita ko sina Elle at Ella na tumatakbo papunta sa akin.

Sina Elle at Ella ay kumuha ng nursing course kaya naka pang nursing silang uniform, night classes din sila maliban kay Gab na pang morning class ang kinuha niya.

"Wait up", sabi naman ni Elle kaya hinintay ko muna silang maabutan ako.

"Elle, Ella", sabi ko.

"Uuwi ka na?", tanong ni Ella sa akin.

"Yeah, pero wala pa akong ganang umuwi", sabi ko.

"Something wrong?", tanong ni Elle.

Hindi ako makasagot sa kanya, hindi ko alam paano ko ba uumpisahin.

"I guess meron nga", sabi naman ni Ella na naka smirk pa.

"Tara", sabi ni Elle.

"Saan?", tanong ko naman.

"Sa condo nina daddy", sabi ni Ella.

"So kita na lang tayo?", tanong ko naman.

"Nah, pinapaayos ni daddy mga sasakyan namin", sabi naman ni Ella.

"Andiyan naman sasakyan ko", sabi ko.

"Tara", sabi ko at sumunod naman sila sa akin.

Habang nagmamaneho ako ay nagkukulitan ang dalawa, ngayon ko lang ulit naka sama ang mga pinsan ko hindi kasi kami madalas makasama dati nung nakita na nila ako kasi nga sinabi ni tito Sai.

"Gutom na kayo?", tanong ko.

"Drive thru na lang", sabi ni Elle.

"Saan?", tanong ko naman.

"Jollibee", sigaw ng dalawa napailing na lang ako sa dalawa.

Pumunta kami sa pinaka malapit na Jollibee na merong drive thru.

"What do you want?", tanong ko sa kanila nang kami na ang nasa order window.

"Spaghetti"

"Chickenjoy"

"Chessy Bacon Mushroom Champ"

"Jolly hotdog"

"Ultimate Burger Steak!"

"CHOCO SHAKE!"

Napailing na lang ako sa mga sinabi nila, hindi obvious na malakas kumain ang mga pinsan ko dahil hindi halata sa katawan nila.

"WAIT! PEACH MANGO PIE!", sabay nilang sabi.

Kinausap ko na ang tatanggap ng order namin kaya sinabi ko na ang lahat ng mga inorder namin.

"And limang extra large fries na din", sabi ni Ella.

"And anim na hot fudge sundae", sabi ko na lang.

Tinignan ako ng dalawa na nagtataka.

"Tig dalawa tayo and lagot ako kay daddy kapag puro ice cream ang kinakain ko", sabi ko naman sa kanila kaya tumawa sila.

Hunt for the Shinobi Queen(Remake)Where stories live. Discover now