Chapter 20 Bad News

11 0 0
                                    

Eunice's POV

"Hey baby ang seryoso mo", sabi ko kay Gab nang makabalik kami sa HQ.

"May iniisip lang ako", sagot niya sa akin.

Nag weird simula nang makapunta kami sa recovery point namin ay ganito na si Gab, masyadong malalim ang iniisip. Nang makita ko siyang matapos kaming mabunggo sa puno ay parang biglang bigla siya, na parang may nakita siyang hindi siya makapaniwala.

"Tito, sorry mission failed", sabi ni Gab.

"I'll take full responsibility", dagdag pa niya.

"It's okay. We didn't expect na ganoon na kaadvance ang technology ng Hive", sabi ni tito.

"But we have a bigger problem tito", sabi ni Gab at napatingin ako sa kanya.

Lumapit siya sa table then may pinindot siya at nagkaroon ng hologram at ang recorded video ng mask niya ay nakikita na namin ngayon na nagpplay. Tinigil niya sa may point na kung saan siya lumabas matapos naming mabunggo sa puno.

"Ano meron dito", tanong ni tito.

"Magnify ten times", sabi ni Gab at minagnify ko naman ang naka freeze na video.

"Focus fifty percent", sabi ni Gab at ginawa ko naman kaya nagiging clear na ang video.

Naging seryoso ang tingin ni tito sa larawan na nasa hologram, tinignan ko ito at nabigla din ako sa aking nakita.

"It can't be", sabi ko.

"Kahit ako hindi makapaniwala", sabi ni Gab.

"So it repeats it self", sabi ni tito.

"Ang alin?", tanong ko.

"The same thing that happened few years ago when I'm stil an agent", sabi ni tito.

"You mean that incident?", tanong ni Gab at tumango naman si tito.

"You need to investigate it more", sabi ni tito.

"Gab, Eunice... I'll be giving you full autonomy from all agents starting right now, but prioritize this case or else we would see the agency to be in bad shape yet again", sabi ni tito.

"Roger", sabay naming sabi.

"Gab, please stay", sabi ni tito, tumingin muna sa akin si Gab at tumango naman ako sa kanya.

"See you later, may pupuntahan din naman ako eh", sabi ko.

Bumaba ako sa garage ng HQ para kunin ang aking bike, pupunta ako ngayon sa pinaparenovate kong orphanage para malaman ang progress nito, may ipapadagdag kasi ako kay kuya na konting naisip ko sana umabot ang mga ito. Karating ko sa garage ng HQ ay sinuot ko na ang helmet ko at mabilis na nagmaneho paalis ng HQ, ilang minuto din ang aking pagmamaneho nang marating ko na ang orphanage.

"Kuya!", tawag ko sa asawa ni ate Eufy.

"Oh Eunice napadaan ka?", tanong sa akin ni kuya.

"Mangangamusta lang po kuya", sabi ko naman.

"Malapit na matapos ang mga pillars, medyo natagalan dahil kailangan naming magumpisa from scratch hindi na kaya ng foundations malapit na silang bumigay", sabi ni kuya.

"Can I have a minute with you kuya", sabi ko sa kanya.

"Sure", sabi ni kuya at kinausap muna ang site manager at ang engineers para tuloy ang mga ginagawa nila.

Pumasok kami sa sasakyan niya dahil wala siyang office dito.

"I have more things I would like to add for this orphanage kuya", sabi ko sa kanya.

Hunt for the Shinobi Queen(Remake)Where stories live. Discover now