CHAPTER 1 : MISERY

1.7K 102 80
                                    

HAPPY READING!

-----

Fey’s POV

 

Sabi nila, ang buhay hindi perpekto. Hindi pwedeng lagi kang masaya kasi sa ayaw at sa gusto mo darating at darating yung time na malulungkot at masasaktan ka. May mga trials and obstacles na susubok sayo kaya kailangan mong magpakatatag at patuloy na manalig sa panginoon para mapagtagumpayan mo ang anumang pagsubok ng buhay.

Pero bakit gano’n? Buong buhay ko nagpakatatag ako, walang araw na hindi ako nagdasal, kahit na wala akong maaninag na katiting na pag-asa, naniniwala pa rin ako na hindi ako pababayaan ng Panginoon.  Pero bakit sa akin pa nangyayari ang mga ito?

“Ano bang nagawa kong mali? Nagpakabuti ako. Tumulong sa kahit sino kahit na hindi ko kakilala. Kahit na walang-wala na ako, buong puso pa rin akong nagbibigay. Bakit naging ganito pa ang buhay ko? Ang dami namang masasamang tao dyan! Bakit sa akin pa? Bakit ako pa yung pinili mong pahirapan?!” pagsusumbat ko sa Panginoon. Nandito ako ngayon sa loob ng isang lumang kapilya, sira-sira na ito dahil sa nagdaang bagyo ngunit may isang bagay na hindi nasira sa loob, at iyon ang rebulto ni Jesus Christ na gawa sa kahoy.

“Ang itay ko, matanda na sya, paralyze na yung kalahating katawan nya pero patuloy pa rin syang nagtatrabaho para sa amin, gumagawa sya ng basahan. Ang inay ko, labandera sa umaga, tindera ng basahan sa tanghali, katulong sa gabi, pero ni minsan hindi sya nagreklamo, ni minsan hindi nya sinabing napapagod na sya! Yung mga kapatid ko, bata pa pero nangangalakal na sila para may pambili kami ng bigas! SILA BA?! Sila ba yung mga taong karapat-dapat mamatay?! Mas deserving silang mabuhay kaysa sa akin kaya dapat ako nalang kinuha mo!! Dapat ako nalang hindi sila! Galit ako sayo! GALIT NA GALIT! Simula ngayon, hindi na ako maniniwala pa sayo! Para sa akin, Wala ng DIYOS!” Umiiyak at galit akong umalis sa loob ng kapilya! Tumakbo ako kahit di ko alam kung saan ako pupunta. Bahala na kung saan man ako dalhin ng aking mga paa.

Kung totoong may Diyos hindi ba’t dapat pinoprotektahan nya kami? Kasi mabuti kami, hindi kami nantapak at nanlamang ng kapwa kahit na hirap na hirap na kami. Kumapit at nanalig kami sa kanya na maliligtas nya kami. Kahit na halos tangayin na ng hangin yung barong-barong na bahay namin at kahit na basang-basa na kami no’n, magkakahawak kamay parin kami sabay-sabay kaming nagdarasal!

Nagsisimula nang umitim ang mga ulap pero wala akong pakialam, patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Huminto na lamang ako nang makarating ako sa sirang tulay. Nasa gitna ako nakatayo. Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang nakakahindik na hitsura ng masayang bayan namin noon na ngayon ay nagmistulang sumabak sa isang giyera sa dami ng pinsala, at isang ghost town sa dami ng bangkay na nakakalat sa paligid.

Lalong sumakit ang loob ko, mas lalong humagulgol ako sa pag-iyak.

Nagsimula na ring bumuhos ang malakas na ulan at namayani rin sa paligid ang mga kidlat at kulog.

 

“ Tinawag ka namin noon, nagdasal kami ng paulit-ulit! Kahit na nawasak na ang lahat, umaasa pa rin kami sa awa mo na ililigtas mo kami pero anong nangyari?! HINDI MO KAMI PINAKINGGAN! NAGING BINGI KA! PINABAYAAN MO KAMI!” sigaw ko sa kawalan habang patuloy pa rin ako sa paghagulgol.

“... sabi nila kasalanan ang pagpapakamatay at ang sinumang gumawa nito ay mapupunta sa impyerno! Kung dati gusto kong sa langit mapunta ngayon hindi na! Ayaw kitang makita! Mas gugustuhin kong sa impyerno nalang ako mapunta kaysa makasama ka! Ang Dyos na nagkalulo sa amin.....sa pamilya ko!” sumampa ako sa taas ng harang ng tulay. Handa na ako, kung ako nalang din mag-isa ano pa bang saysay nang mabuhay.

SMILES OF A BROKEN SOUL (Short Story) C O M P L E T E D (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now