CHAPTER 12 : BEST CHRISTMAS GIFT EVER!

260 56 11
                                    

“Good Day Class! See you next year! Merry Christmas ! “

Pagkasabi ko nun agad na silang nagsitayuan at parang nagmamadali nang umalis, kaya siguro hindi na nila napansin ang pagbati ko.

Pagkatapos nito makakauwi na rin ako, ito na kasi yung huli kong klase.

Napakabilis nga namang lumipas ang panahon, 5 taon na nga ang lumipas. Parang kelan lang nung galit pa ako sa pasko pero ngayon, para sa akin, ito ang pinakamasayang Holiday at pinakamasayang araw ng taon, ang PASKO.

Isa-isa nang nag-aalisan ang mga estudyante ko. Sigurado akong lahat sila excited na sa pasko, 4 days nalang Christmas na.

Sayang nga hindi na ako nakabili ng regalo para sa kanila. Ang dami kasing pinaasikaso sa akin sa school saka halos wala na rin akong budget. Pero okay lang, napunta naman sa higit na nangangailangan ang pera ko kaya masaya pa rin ako.

Ginamit ko yung scholarship na ibinigay nya sa akin, pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko sa kursong Bachelor of Secondary Education major in English.

3rd year college na rin naman ako nun bago naganap yung trahedyang iyon kaya more than a year nalang magga-graduate na ako nun.

Nagsikap ako, nagtrabaho sa mga livelihood projects ng government. Bumalik si Atty. Javier sa bahay ko, may ibinigay sya sa aking 1 million galing kay Christian para makapagsimula daw ako ulit pero hindi ko tinanggap. Sobra na ang naitulong nya sa akin, this time tatayo na ako sa sarili kong mga paa kaya nagtrabaho ako habang nag-aaral.

Pagkagraduate ko, napagdesisyunan kong magtrabaho din dito sa mismong bayan ko.

Kaya ako nag major in English noon ay para makapagtrabaho sa ibang bansa kasi tumatanggap sila ng English teacher at malaki ang sahod, pero hindi na ako tumuloy, dito ako sa bayan ko nagturo, para makatulong. Halos bumalik na rin ang bayan namin sa dati nitong anyo dahil na rin sa tulong ng mga kapwa namin Filipino at maging ang ibang lahi.

Inayos ko na ang mga gamit ko sa lamesa at lumabas na ako sa paaralan.

“Fey, pasensya ka na ha, aalis pala kami mamaya, yung mother-in-law ko kasi pinapauwi kami sa probinsya nila, gusto nilang makita yung apo nila.”

“Ayos lang Anne. Mag-iingat kayo ha? Merry Christmas!” bati ko sa kanya.

“Ikaw din. Sige aalis na ako.” Umalis na sya agad.

Simula kasi nun, si Anne at ang pamilya na nya ang nakakasama kong magcelebrate ng pasko at bagong taon, sya ang naging bestfriend ko. Ngayong taon naman nagpakasal na sya at last month lang nang manganak sya.

Pumasok na ako sa loob ng bahay.

“haayy.. ako lang pala ang magnonoche Buena mamaya.”

December 24 na ngayon. Abala na ang lahat sa paghahanda.

“Ay hindi pala, alam ko na kung saan ako magnonoche Buena.”

Iniluto ko na yung mga pinamili ko para sa noche Buena pero konti lang yung iniluto ko, ako lang naman ang kakain.

10:30pm umalis na ako sa amin, pupuntahan ko sila.

“Merry Vhristmas po ‘nay, ‘tay, Jay, Jen!” tumingala ako sa langit “... at sayo din baby Cess, pasensya na kung hindi ko na nahanap yung katawan mo.” Hindi na kasi nahanap nung mga rescuers yung katawan nya at kung sakali man, napakahirap na daw ma-identify yung body nya.

Umupo na ako sa damuhan sa harap ng puntod nila.

Madalas ko naman silang binibisita dito pati Christmas kaso tuwing December 25 ako pumupunta. Pero ngayon lang ako magno-noche buena dito.

SMILES OF A BROKEN SOUL (Short Story) C O M P L E T E D (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now