CHAPTER 10 : SEVENTH DATE ; LAST

267 62 22
                                    

“Good mor – Fey??”

“what?” naaantok kong tanong sa kanya.

“what happen to your face? Did you sleep last night?”

“Yeah, I guess.” Nakatulalang sabi ko.

“are you alright?” lumapit sya sa akin tapos hinawakan nya yung both cheeks ko para iharap sa kanya, nakatungo lang kasi ako kanina.

“I’m sleepy. But I’m fine. Where are we going now?” tanong ko sa kanya.

“I need to meet my mom today, and we’ll be having a meeting. I was informed just today.”

“Tomorrow is Christmas right? You’ll not be here for Noche Buena?”

“we’ll be together this Christmas and in Noche Buena that’s why I will finish those matters until this afternoon.”

“I’ll wait for you.”

“Okay, wait for me.” He gave me a kiss on the lips, smack lang naman pero sweet.

Pagkatapos namin magbreakfast umalis na sya, ang gwapo pala nya pag nakasuot ng business attire. Nung pumunta kasi kami sa office nya naka-polo lang sya.

“Matutulog na nga muna ako.”

Napuyat ako sa pagtatapos ng gift ko para sa kanya.

Wala kasi akong perang pambili  ng regalo, isa pa mayaman na sya eh, ano pa ba yung maibibigay ko sa kanya eh kayang-kaya naman nyang bilhin yun.

Pero yung gift ko sa kanya, actually pera rin naman nya yun.

Flashback:

“Miss, Paabot naman sa akin yung plastic na yun” inabot sa akin nung saleslady na nagbabalot ng mga gifts na pinamili namin yung isang shopping bag na puno ng mga gamit na ipanrereglo namin.

Habang namimili kasi kami ng mga laruan, may inilagay ako sa cart na gamit sa pagpapainting.

Hayy.. Hindi naman talaga ako masyadong marunong magpaint kaso wala na akong maisip na iba, wala akong perang pambili kaya wala akong choice kundi ngayon na bumili habang nasa mall kami, hindi rin ako basta-basta makaalis kasi nakahawak sya sa kamay ko. (>3<)

Pagkatapos kong kunin ang dapat kong kunin, ibinalik ko na rin ito. “Thank you Miss”

End of Flashback

Kaya ayun, pagkauwi namin kagabi, sinimulan ko na agad gawin yun.

Magdamag ko yun ginawa kasi hindi ako pwedeng magkamali kaya ingat na ingat ako.

Hindi naman ako pwedeng matulog kasi ang akala ko aalis kami ngayon, kung alam ko lang na aalis pala sya ngayon edi sana natulog muna ako kagabi. Pero okay lang. Atleast tapos ko na.

Sana magustuhan nya ito.

”ahmmmm!” nagstretch ako ng braso nang magising ako.

“Ang sarap ng tulog ko!”

“ano na palang oras?” tiningnan ko yung wall clock sa sala,

“6pm na pala. Ang haba naman ng tulog ko.... wala pa rin si Christian?”

“Bakit wala pa sya?” Di bale, sabi naman nya uuwi sya eh.

8pm na. Bakit wala pa sya? Christian nasaan ka na ba?

SMILES OF A BROKEN SOUL (Short Story) C O M P L E T E D (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon