CHAPTER 13 : A SWEET SURPRISE

221 55 13
                                    

Nagsaya na yung lahat.

Kanya-kanya na silang kuha ng pagkain.

Lahat din sila natuwa nang malaman nilang buhay pala si Princess.

“Daddy, Ate, I’ll just go there.” Tinuro nya yung mga bata.

“Sige” pagsang-ayon ko.

“Okay baby, speak in tagalong. Okay?” sabi ni Christian.

“Sige po Daddy!” tumakbo na sya papunta sa mga bata.

“Buti marunong syang magtagalog?” tanong ko.

“Nung nasa America kasi kami, nag-aaral ako magtagalog, lagi ko syang kasama kaya ayun lagi nya akong naririnig magtagalog. Sa kanya rin ako nagpapractice, kinakausap ko syang tagalong kahit hindi pa nya nun ako naiintindihan.” Natatawa nyang sabi.

“mas close sya sayo kaysa sa asawa mo?” sabi nya kasi lagi silang magkasama.

“Ahmm.. Fey, Mahal pa rin kita.”

Natigilan ako sa sinabi nya. Mahal pa rin nya ako? Totoo ba yun?

“Christian may asawa ka na, you should be faithful.”

“divorced na kami.” Nagulat ako sa sinabi nya pero sa totoo lang, deep inside me, natuwa ako.

“pero kasama mo pa rin sya ngayon?”

“Hindi.. Hindi ko sya kasama.”

“Pero bakit tinatanong ni Baby Cess kanina kung nasaan na yung mommy nya saka sabi rin nya gusto na nya itong makita..”

“It is you, not Lianne. Kasi I want us to be together again, magiging pamilya tayo.”

Ang sarap pakinggan nung salitang pamilya.

“Teka, paano pala yung Daddy mo at yung business nyo kung nagdivorce na kayo?” muntik ko nang makalimutan yung tungkol dun.

“Si Lianne mismo yung nakipaghiwalay sa akin.”

“Akala ko ba gusto ka nya?” bakit naman sya makikipaghiwalay? Pero buti naman..

“Nung honeymoon night kasi namin” tinaasan ko sya ng kilay.

“Wait, wala kaming ginawa okay?”

“May sinasabi ba ako, ang defensive nito!”

“Selos ka lang nyan. Anyway, nung honeymoon night nga namin, basta nagshoshower ako nun pinakatagal-tagal ko nga para makatulog na sya. Tapos nagulat nalang ako nung bigla syang sumigaw-sigaw. Nung lumabas ako, tinanong ko kung bakit, pero hindi sya sumagot ng maayos, ang sabi lang nya ‘Christine is here’ tapos tumakbo na sya paalis, then nagulat nalang ako nang kinabukasan inamin nya sa mga pulis na sya talaga yung pumatay sa kapatid ko at sa kapatid nya.”

“Sino si Christine? Saka bakit nya pinatay yung kapatid nya at yung kapatid mo?” Paano nya nagawa yun?

“Christine is my sister. She’s into drugs. Nalaman yun ng kapatid nya kaya sinabihan sya na isusumbong sya sa Daddy nila, nagmakaawa daw syang wag sabihin pero desidido daw talaga yung kapatid nya na sabihin yun kaya sa takot nya nabaril nya yung kapatid nya at sakto namang dumating yung kapatid ko kaya binaril din nya sya. Tinapon nya sa bangin yung katawan nila para hindi sya mapaghinalaan.” Nakita ko yung lungkot sa mga mata nya habang kinukwento iyon.

SMILES OF A BROKEN SOUL (Short Story) C O M P L E T E D (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now