CHAPTER 6 : FOURTH DATE ; The Confession <3

294 68 28
                                    

Ahmm? Bakit ba ang ingay?

“Ouch!”

Si Christian yun ah? Anong nangyari sa kanya.

“Ahh! What are you doing!” sinong kausap nya?

Nagbabagsakan bigla yung mga kaldero.

Magnanakaw?! Di kaya may magnanakaw!

Napatayo ako bigla sa pagkakahiga ko.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan. Kinuha ko yung flower vase sa table.

Buti nalang madilim, hindi nya ako makikita.

Lumabas na ako ng room at dahan-dahang pumunta sa kusina.

May nakita akong mas malaking vase sa gilid kaya yun nalang kinuha ko, yung kasing vase na kinuha ko kanina masyadong maliit.

Pumunta na muna ako sa sala, dun kasi natutulog si Christian.

Pumunta na ako agad sa kusina kasi dun nanggagaling yung mga ingay kanina. Kailangan mapigilan ko na yung magnanakaw bago pa anong gawin nya!

Ayun! Ayun yung magnanakaw! Naka black leather jacket sya! Yun lang yung nakikita ko kasi madilim. May konting liwanag kasi na nakakapasok sa parteng iyon ng kusina kaya naaaninag ko sya.

 Lagot ka sa akin!

Buti nalang nakatalikod sya kaya hindi nya mapapansing nandito ako sa likod nya.

Eto na!

“Walang hiya kang magnananakaw ka!” pinukpok ko sa ulo nya yung vase na hawak ko.

“Ah! What are you...” sigaw nya. Hindi na nya natuloy pa yung sasabihin nya kasi bumagsak na sya sa sahig.

“Ah! What are you...”

“Ah! What are you...”

“Ah! What are you...”

Bakit parang ka-boses nya si.....

(O 0 O) ? Chri...Christian?

“Christian ikaw ba yan?”  (O__O)

“Why did..ouch.. why did you hit me?!” nanghihinang sabi nya sa akin.

Agad naman akong lumuhod para malapitan ko sya, bumagsak kasi sya sa sahig kanina.

“Naku sorry.. sorry...”

Tumayo muna ako para pumunta sa switch ng ilaw para i-on yung lights.

Nnag mabukas ko na, bumalik ako sa kanya. “Christian sorry. Akala ko kasi may magnanakaw.”

Tutulungan ko na sana syang tumayo nang mapansin kong du...dumudugo yung ulo nya (O__O)

“Your head! Oh my gosh! It’s bleeding!” Ang daming dugo.

It’s my fault! Bakit ba kasi ako nagpadalos-dalos?

Hindi na sya nakasagot kasi mukhang nahihilo na sya. Sobrang lakas kasi ng pagkakahampas ko sa ulo nya ng vase,.

“Te..teka ano bang gagawin ko?” tanong ko sa sarili ko. Natataranta na talaga ako.

“Sandali lang ha, I’ll.. I’ll call for help.”

Hinawakan nya yung pisngi ko tapos parang may pinunas yung thumb nya sa kaliwang pisngi ko. “Don’t cry, I’m fine.”

Napaiyak na pala ako. Hindi ko man lang naramdamang may tumulo na palang luha sa mga mata ko.

SMILES OF A BROKEN SOUL (Short Story) C O M P L E T E D (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now