Chapter 20

126K 1.6K 104
                                    

Chapter 20


"Maff.."

Yung boses na yun.. Yung taong kanina ko pang hinihintay na dumating. Yung taong mahal na mahal ko.. Nandito na sya.

Nasa labas ako ng rest house namin dito sa Batangas.. Nakaupo lang ako sa may duyan at nagpapahangin.. Kanina ko pa syang hinihintay dito pero di ko naman sya masisisi kasi malayo 'to.

"Ang tagal mo! Alam mo bang kanina pa kitang hinihintay?!" Sabi ko sabay ngiti.

Lumapit sya sakin at tumayo sa harapan ko. Nagulat na lang ako sa ginawa nya kasi bigla syang yumuko para yakapin ako. Mahigpit na yakap. Sapat na yun sa pangungulila ko sa kanya ng ilang oras.

"I’m sorry.."

"Sorry san?" Sabi ko habang yakap pa rin nya ako.

"Sorry sa ginawa ko kanina. Kasi.." Dapat ba akong masaktan dahil naalala ko na naman na mas pinili nya ang babaeng yun kaysa sakin? O matuwa dahil nandito na sya ngayon sa tabi ko? Pero sa tingin ko.. mas lamang pa rin na masaya ako na nandito sya.. Sya naman ang kaligayahan ko di ba?

"No need to explain, Zeke.. Kung ano man ang rason mo. Just keep it.. Ang mahalaga ay nandito ka ngayon sakin di ba?" Umalis na ako sa pagkakayakap. Nakaupo pa rin ako sa duyan habang sya ay nakatayo lang.

"No.. I.. I.. sht!!" Napahilamos sya sa mukha nya.  Ngumiti na lang naman ako dahil kahit ano pa ang sabihin nya, matatanggap ko yun.

"I told you.. Okay lang sakin, Zeke." Hinila nya ang kamay ko patayo at hinalikan ako ng mabilis. A very light and quick kiss na nagbigay agad sakin ng kilig sa katawan. Hinawakan naman nya ako sa dalawang balikat ko..

"May mga bagay na mahirap sabihin at mahirap maintindihan, lovey.. Ang mahalaga ay ito.." Turo nya sa puso ko. "Mahirap sa simula.. pero pag sinunod mo naman ang tibok ng puso mo. Maliliwanagan ka din.." Itong puso ko? Pag sinunod ko? Kulang na lang sabihin ko sa kanya na ang puso ko ang dahilan kung bakit ako mawawala sa tabi nya.. Kung bakit sa isang araw ay mawawala na ang isang katulad ko..

"Mahal kita.." Sabi nya. Sa mga sinabi nyang yun parang huminto ang oras. Parang kami lang talaga ang tao sa mundo. Sa simpleng salita para akong patay na nabuhay muli. Gusto kong maniwala. Gusto kong maniwala na ako talaga ang mahal nya at hindi ang babaeng yun. Pero bakit iba ang nakikita ko sa kanya?

Naglakad ako at iniwan sya sa pwesto namin kanina sa may duyan. Wala pa nga akong suot na tsinelas kasi white sand naman ang inaapakan ko..

"Hindi ka naniniwala?" Sigaw nya sakin. Medyo malayo na kasi ako sa kanya.

I smiled at him. "Zeeeeeeeke! Napaka stupid mo! Alam mo ba yun?!!" Nakakatawa lang ang itsura naming dalawa. Kami lang naman ang nasa lugar na ito pero nagsisigawan kami. Nakita ko naman na nagtaka sya sa tanong ko. Haha! Ang laki na ng distance saming dalawa. Masarap pala sa pakiramdam pag ganito. Ang sarap kasing sumigaw.

"Napaka-stupid mo Ezekiel Dela Cruz! Hindi ko kailangan nyang pagmamahal mo! Kasi ang mahalaga ay mahal kita! Kahit pa na mahilig ka sa babae! Kahit pa napaka-moody mo at napaka-ewan na mokong mahal na mahal kita!" Nagsimula naman syang lumakad patungo sakin nang nakangiti.

"Mafelle na aning!” Aning pala ha? Napa-crossed arm ako.

"Baka ikaw ang stupid! Hindi mo pa din talaga ako kilala ano?!" Kahit malayo kita ko ang pagtawa nya.

"Ako si Ezekiel Dela Cruz..” Palapit sya ng palapit sa akin.. “Isang Casanova..” Palapit na sya ng palapit. Lalo kong nakikita ang napaka-gwapo nyang mukha na ngiting ngiti sakin.

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Where stories live. Discover now