Chapter 24

127K 1.5K 142
                                    

Chapter 24

Vince's POV

Hindi ko na matutupad ang promise ko kay Maff dahil sasabihin ko na kay Zeke yung tungkol sa sakit nya. Kailangan nyang magpa-opera, kahit na walang kasiguraduhan. Alam kong nakakatakot, pero kailangan talagang mag-take risk sa sitwasyon nya.

Mas mabuti yun kaysa naman sa walang ginawa at hayaan na lang syang nahihirapan. Pinark ko na ang sasakyan sa tapat ng restaurant namin. Magba-baka sakali lang ako kung nakay ate Pam yung cellphone ko. Naman oh! Bwisit.. baka nawala ko na yun.

Kung hindi lang yun nawala, baka ngayon ay alam na ni Zeke ang sitwasyon ng asawa nya. Nagulat ako pagkapasok ko sa restaurant, nandun si Zeke at galit na galit sya sa ate ko. Pinipisil na nito ang mukha nito kaya inawat ko sya.

"Teka lang dude, nasasaktan na sya!" Inilayo ko sya sa kapatid ko. Itinuro ni Zeke si ate. Galit na galit sya, kitang-kita ko sa mga mata nya na parang gusto na nya patayin ang ate ko.

"You.. stay away from me! Stay away from us!! Kapag may nangyaring masama sa asawa ko hindi kita mapapatawad! Tandaan mo yan!”

“Pero Zeke ginawa ko lang yun dahil sayo.”

“Paano mo nagawa sakin ‘to?! Bakit mo nilagyan ng pampatulog ang basong iniinom ko?! Akala ko ba nagsisisi ka na sa mga ginawa mo?! You even lied na may sakit ka for Pete’s sake! May mga pagkakataon na pinili kitang samahan kaysa sa asawa ko pero niloloko mo lang pala ako?! You planned all of these!” Akmang susuntukin ni Zeke si ate pero nagpipigil sya. Sobrang galit na galit talaga sya. Tumingin sakin si captain bago sya tuluyang umalis.

"Ano na namang ginawa mo?!"

"Ha! That bitch.. akala nya ata magiging masaya sya."

"Anong sinasabi mo?!"

"Well my dear brother.." Pinakita nya sakin yung phone ko. Sabi ko na eh! Kinuha nya, ano bang ginawa nya?

"Bakit mo kinuha yan?!" Kinuha ko agad yung phone sa kanya at chineck ang sent items at inbox. Sa nakita ko, parang alam ko na ang mga nangyari. 

"Hahaha! Kung makikita mo lang Vince ang itsura ng babaeng yun! Hahaha! Oh my God! Nakita nya kami ni Zeke na—“ Hindi na ako nag-dalawang isip na sampalin sya.

"Matauhan ka naman.. Matauhan ka!" Gusto ko ng matapos ang lahat ng ‘to. Gusto ko ng lumayo.. kami ni ate, para wala ng gulo.

"Vince, di mo kasi ako naiintindihan!" Hawak nya yung pisngi nya. "I'm just doing what I think is right!!"

“Hindi! Mali yan! Dahil pagiging makasarili na yan ate eh! Hindi ikaw yung ate ko! Nang dahil sa lalaki nagkaganyan ka na?!”

“But you! Look at you Vince! Look at yourself! Nakakaawa ka kasi hindi mo magawang ipaglaban ang babaeng mahal mo! So tell me, mali ba ang ginagawa ko ha?!”

"Yes. Dahil kahit ano pa ang gawin mo, alam nating dalawa ang sitwasyon! Nagmamahal tayo sa kanila pero hindi ibig sabihin nun kailangan mahal na din nila tayo katulad ng pagmamahal natin sa kanila. That’s what we call unconditional love right? They maybe love us pero tanggapin natin na hanggang kaibigan lang. Hanggang dun lang ate! Hindi pagmamahal yan kung nagiging makasarili ka na!”

“Pero Vince—“

“Sa tingin mo ba magagawa ka pang mahalin ni Zeke nang dahil sa ginawa mo?!” Nanlilisik na yung mga tingin ko sa kanya at saka siya iniwan mag-isa. Nag-dial ako sa cellphone ko..

“Hello, Aira.”

**

Ezekiel's POV

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Where stories live. Discover now