Chapter 23

117K 1.4K 136
                                    

Chapter 23

Zeke's POV

Kinuha ko yung mga basura sa kwarto ko at pati na rin yung kay Maff sa kwarto nya. Madali naman kunin kasi naka-trash bag.. Kaunti lang yung basura ko, pero si Maff? Puro papel at balat ng mga pagkain.. More on sa prutas lalo na ang apple at saging. Tsk. Bumaba na ako. Leche namang basura ‘to ohh. Bakit ba hindi napunta dito yung magba-basura? Pangatlong araw na tuloy nakatambak dito..

Binuksan ko yung basurahan sa likod ng bahay. Itatapon ko na sana nang makita ko yung bote ng vitamins ni Maff. Kinuha ko muna yun at saka itinapon ang hawak kong basura. Kinalog ko yun. Wala ng laman. Aish! Malamang wala ng laman di ba? Engot ko naman. Ang alam ko bawal uminom ng mga gamot pag nagbubuntis. Vitamins kaya pwede? Mabuti pa tatanungin ko na lang ang doktor nya mamaya pagkatapos ng practice. Inilagay ko naman muna sa bag ko yung bote at saka naligo. Inutusan ko si yaya na pumunta ng supermarket para mamili ng mga kakainin namin sa bahay kaya siguradong mamaya pa rin ang uwi nya.

"Hoooo! Nice one tol!"

"Tagal mong nawala pero ayos pa din ang shooting mo ha? Teka, san ka nga ba nanggaling! Patay ka kay coach, ang tagal ka na nung kinokontak eh!"

Nag-uusap yung team ko nang dumating ako. At nakita ko sya, bumalik na pala yung ugok na yun. Akala ko pa naman hindi na sya babalik.

"Nakausap ko na si coach, pinagalitan nga nya ako eh. Pero okay lang. Galing akong Italy." Si Vince habang hawak yung bola at akmang ipapasok ang bola sa ring.

"Nandito ka na pala." Sabi ko.

"Yes captain." Di ko na naman sya pinakialman. Naiinis ako pag nakikita ko sya, alam ko kasing gusto nya si aning. Tumunog naman yung cellphone ko at nakita ko kung sino yung nag-text.

From: Mela
See me this afternoon.

Hindi ko pinansin yung text nya. Naiinis na talaga ako. Nag-iba na talaga sya. Hindi naman sya dati ganun ah? Kagabi nung inuman namin sa birthday ni Ken nandun pala sya. Tek naman oh! Magkakilala pala sila ni Ken!

Pagkatapos kasi ng practice eh pumunta na kami sa bahay ni Ken para i-celebrate yung birthday nya. Hindi na naman ako nagpaalam kay Maff kasi akala ko mabilis lang ako dun kaya sa bahay ko na lang sana sasabihin sa kanya. Nagulat ako nang makita ko si Mela kina Ken. Hindi nabanggit ni Ken sakin na kasama pala si Mela.

“So kamusta na ang asawa mo?” Tanong ni Mela sakin.

“She’s good. Bakit?

“Nothing. Gusto ko lang malaman yung condition nya.”

“Okay naman sya. Actually, we will be having our first baby.” Napangiti naman ako dun.

“What?!”

“You heard me, Mela.”

“Wait.. I thought hindi pwede magka—“ Ngumiti naman sya sakin. “So wala ka pang alam?”

“Saan?”

“Nevermind.” Makahulugan syang ngumiti sakin.

She doesn’t know when to stop. Ngayon naman text siya sakin ng text. Isa pa ‘tong kapatid nya na lumalapit ngayon sakin.

“Captain, how’s Maff?” Sinamaan ko naman siya ng tingin.

“Okay naman sya. Kaya layuan mo sya.” Sabi ko sabay alis. Kahit kailan talaga ay hindi ko makakasundo ang ugok na yun! Hanggang ngayon gusto pa rin nya ang asawa ko.

“Ituloy nyo lang ang practice kahit wala ako!” Sigaw ko sa team. Pumunta na ako ng shower room. Uuwi na lang muna ako sa bahay para ma-check kung okay si Maff. Tiningnan ko yung phone ko at nakitang may 3 missed calls si Maff then 20 missed calls yung kay Mela.

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Where stories live. Discover now