Chapter 22

123K 1.4K 85
                                    

Chapter 22

Apat na araw ang lumipas simula ng malaman naming lahat na nagdadalang tao pala ako. Ang sarap isipin na isa na talaga kaming pamilya. Lagi nga ako chine-check ni Zeke at nasabi na rin nya ang tungkol sa bagay na ito kay dad. Akala ko talaga magagalit sya pero natuwa pa pala nung natanggap nya yung balita. Uuwi na daw sya next week. Tinatapos lang daw nila yung deal sa magiging business partner namin na company sa Spain. Tuwang-tuwa rin ang gaga kong bestfriend kasi magiging ninang na raw sya. Kinukulit nga ako kung ano daw ang ipapangalan ko sa bata. Luka luka talaga yun! Hindi pa nga alam kung babae o lalaki. Haha!

Hinawakan ko ang tyan ko. Kahit maliit pa rin ito eh nararamdaman ko na yung baby namin.. Ano kayang itsura nya?

Bigla namang sumagi sa isip ko si Vince. Ang totoo nyan, noong isang araw ko pa sya kinokontak pero hindi ko sya matawagan. Nasan na kaya yun? Gusto ko sanang ipaalam sakanya na magkakaroon na kami ng baby ni Zeke eh. Kinakabahan nga ako sa pwedeng maging reaksyon nya kasi alam naman nya na may sakit ako.

“Kaya ko ba?” Sabi ko sa sarili. Alam ko.. alam kong dugo pa lang ‘to.. pero hindi ko alam kung maide-deliver ko ng ayos ang bata.. At ang isa pa sa ikinatatakot ko, buhay pa ba ako bago ko ilabas ang bata?

Wala akong magagawa kundi pumunta sa doktor kahit na mag-isa. Gumawa na lang ako ng excuse kay Zeke para hindi nya ako samahan.

“Mrs. Dela Cruz! Thank God bumalik ka!” Nag-aalalang sabi ng doktora sakin. Kailangan kong sabihin sa kanya ang lagay ko. Ayokong ma-disappoint si Zeke sakin.

“I’m sorry to say but hindi ka pwedeng mag-buntis.”

“Ano?! Bakit?! Hindi pwede!!” Napatayo ako sa kinauupuan ko.

“Please.. Calm down..” Dahan-dahan nya akong pinaupo.

“Dugo pa lang naman yan, mas mapapadali ang pagtanggal dyan. Mrs. Dela Cruz, you know your condition right? Hindi mo kayang i-deliver ang bata nang maayos dahil mahina ang puso mo. Maaari kang mamatay.”

Hindi pwede.. hindi pwede ‘to.. Ang anak ko.. Hindi sya pwede mawala samin.

“Kung magpapa-opera na ako ngayon pwede na ba akong manganak? Magiging ayos naman di ba?” Umiling si doktora.

“Mas lalong complicated. Once na ma-operahan ka na, hindi ka na pwedeng magkaanak pa..” Gumuho na ang mundo ko. Walang lusot.. Anong gagawin ko? Hindi ako pwede manganak..

Umuwi ako sa bahay ng parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Sino bang matutuwa dun? Anong kamalasan ang nangyayari sa buhay ko ngayon?! Bakit ako pa.. Madami naman dyan ah?

“Lovey, nakauwi ka na pala.. Ano natapos mo na ba yung ginagawa mo?”

“Oo.” Bigla akong naupo sa salas.

“Mukhang pagod ka ah? Teka, ipapakuha kita ng tubig kay yaya. Ya! Pasuyo naman po ng tubig sa asawa ko.”

“Osige, saglit lang.” Sagot ni yaya Rosie.

“Oh ano kamusta pakiramdam ng asawa ko ha? Okay ba? Wag ka masyado magpapagod ha? Yung baby natin.. tandaan mo.” Sabi ni Zeke sabay halik sa cheeks ko at saka sa tyan ko.

“Zeke.. paano kung..”

“Kung?”

“Paano kung meron—“

“Oh ito na yung tubig, uminom ka na hija..” Biglang dumating si yaya.

“Oh lovey, tubig ohh..” Pinainom nya ako at saka muling tinanong kung ano yung sasabihin ko.

“Ahh. Wala yun.” I faked a smile. Umakyat na ako sa kwarto, sinabi ko na gusto ko ng magpahinga.. Naiintindihan naman nila yun dahil buntis ako. Umiyak na lang ako ng umiyak sa kwarto ko dahil sa nangyayari sakin.

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Where stories live. Discover now