Chapter 26

138K 1.7K 214
                                    

Chapter 26

Waaaaah! Nakakailang naman dito sa bahay! Bakit ba sila tingin ng tingin sakin?!

"Thank you lovey." Sabi ni Zeke pagkabigay ko ng kape nya. Kainis! Tinititigan nya lang ako ng seryoso. Kanina pa syang ganyan kahit nung nagtitimpla ako ng kape.

Humigop sya ng kaunti. "Ahhhh.. Sarap talaga nga kape mo." Sabay ngiti. Sumimangot na lang ako sa kanya pero umakbay sya sakin at bumulong sa tenga ko. “Mahal na mahal kita, Mafelle."

Tatlong araw na ang nakakalipas.. Tatlong araw na na parang ang lungkot ng bahay na ‘to. Hindi pa rin nadating si daddy. Hindi naman sya makontak. Psh! Sabi nya dadating daw sya pero hindi naman. Ano ba naman yan!

Si yaya naman hindi makausap, marahil alam na rin nya ang sa sakit ko kaya malungkot din sya. Si Zeke naman, pinipilit maging masaya kahit hindi naman.. Aish! Naupo na na lang ako sa sofa sa living room. Nagulat naman ako nang malakas na bumukas yung pinto.

"What’s wrong with you?!!” Sigaw ni Aira sakin. Galit na galit sya pagpasok pa lang nya sa bahay.

"What now Aira?" Tanong ko.

"Naiinis na ako sayo ha!! Ano ka ba?! Tama na nga yang pag-iinarte mo! Halika na!” Kinuha nya yung kamay ko at kinaladkad ako sa may pintuan.

Nakita ko sa labas si Vince na naghihintay.

"Teka, ano ba?! San mo ako dadalhin??!"

"Sa doktor! Kailangan mo magpa-opera! Are you really out of your mind, Mafelle?! Iiwan mo kaming lahat dito?! Ni hindi mo nga masabi kung ilang years, buwan o araw ka na lang dito eh!” Kinaladkad nya ako palabas ng bahay. Bago pa kami makalabas ng gate eh kinuha ni Zeke yung kamay ko.

"Tama na." Sabi ni Zeke tapos pumagitna naman si yaya Rosie.

"Aira." Tumingin lang si Zeke ng seryoso sa kanya. Malungkot.. Malungkot na malungkot sya sa nakikita ko ngayon.

"But Zeke?! Ayos lang ba sayo na ganito ang nangyayari?! Sabihan mo naman si Maff! I’m sure makikinig sya sayo!”

"Sa tingin mo ba okay talaga sakin ang nangyayari?? Sa tingin mo ba magiging masaya pa ako nito? Sa tingin mo ba gusto ko 'to?!!"

"Zeke.. Hijo, tama na. Pumasok na muna kayo ni Mafelle sa loob ng bahay." Tumingin si yaya kay Vince. "Hijo, ikaw na muna ang bahala kay Aira." Nag-nod naman si Vince.

"Aira.. halika na, magpalipas ka muna ng init ng ulo okay?" Sabi ni Vince.

"Isa ka pa Vince eh! Dapat tinutulungan mo ako kumbinsihin si Maff! Di ba gusto mo sya?! Paano ako makakapag-relax kung mamamatay na ang bestfriend ko?!!”

"What's the meaning of this?" Tumingin kami sa pinanggalingan ng boses.

Si daddy..

"Anong sinasabi mo Aira?" Hawak-hawak ni daddy yung attache case nya.

"Uhhh.. tito.."

"WHAT?!” Napayuko na lang si Aira. Hindi na sya makaimik ngayon. Takot din sya sa ama ko. Hawak-hawak naman ni Vince ang dalawang balikat nya.

"Zeke!! What’s the meaning of this?!” Napayuko na rin si Zeke. Lahat sila napayuko maliban sakin. Hindi ako makagalaw.. Bakit sa ganitong sitwasyon pa nya kailangang malaman ang sakit ko?

"D-dad."

"Mafelle.." Naiyak na ako nang tinawag nya ang pangalan ko. Akala ko talaga hindi na ako iiyak. Pinipilit ko maging malakas. Pero ngayong dumating si daddy, heto na naman ako..

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Where stories live. Discover now