Chapter 7.1 [His Past]

71.2K 1.1K 24
                                    

Si Yumi yung nasa side :))

Chapter 7.1

[His Past]

(3rd Person's POV)

VILLANUEVA RESIDENCE.

Hindi pangkaraniwan ang araw na iyon para sa mga Villanueva. Abala ang lahat para sa isang malungkot ngunit espesyal na okasyon para sa kanilang pamilya.

"Kurt, di ka pa rin ba sasama?" tanong ni Kyle pagpasok sa kwarto ni Kurt. Handang handa na siya para sa okasyon. Nakasuot siya ng formal attire, isang three piece suit. Pormal na okasyon at tradisyon kasi ito na dinadaluha pati ng mga matatandang miyembro ng kanilang angkan. Ang lolo at papa nina Kyle at Kurt na karaniwang maraming ginagawa.

Samantalang si Kurt ay suot suot ang karaniwang ayos niya kapag papasok sa school.

"Nope. Kelan ba ko sumama?"

"Pero--"

"Geh. Papasok na ko. See you later." Ngumisi si Kurt at tuluyan ng lumabas ng bahay nila.

Sumakay siya sa motor niya at pinaandar ito ng mabilis. Hindi naman siya lumalabag sa batas dahil meron na siyang non-professional driver's license dahil silang magkapatid ay 17 years old na rin.

Nakasuot nga siya ng uniform pero wala naman siyang balak pumasok sa school, siguro mamayang hapon pero hindi ngayong umaga.

Isang lugar lang ang gusto niyang puntahan.

Ang lugar na pinupuntahan niya sa tuwing sasapit ang araw na iyon.

* * *

Umaga pa lang ay kumpleto na ang Black Knights sa kanilang tambayan sa may lumang library building ng school nila. Bihirang mangyari ito lalo pa't may pagka-delinquent silang lahat. Ngunit, iba ang araw na iyon.

"Ano ba yan? Tagal naman ni Kurt!" Pagrereklamo ni Luke.

"Oo nga! Tagal na nating di lumalaban! Haha." Sabat ng isa pang miyembro ng gang nila at kapareho nilang 4th year, si RJ.

"Kaw lang! Lagi ka kasing wala. Nung isang araw lang pinatumba namin yung gang sa kabilang school." Sagot ni Luke.

"Wehh. Yabang ah."

"Kayo na." Sagot ng iba pa nilang mga ka-gang.

"Naman! Mwahahaha." --Luke

"Wala na! Ayawan na! Hangin nung isa dito eh." --Justin

"Lul! Sapak, gusto mo?"  --Luke

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Where stories live. Discover now