Chapter 10 [Amidst the Danger]

62.7K 1K 79
                                    

Chapter 10

[Amidst the Danger]

"Kitty, palagay mo.. anong ginawa kong masama?"

"meow!"

Baliw na ata ako. Kausapin daw ba yung pusa. Nga pala, Kitty, yun na yung pinangalan ko dun sa kuting na kinuha ko dati. Ang creative ko mag-isip na pangalan noh? Hahaha.

"Oh shoot! Malelate na ko! Kitty, ba't di mo sinabi?"

"meooooow~"

Told ya, malala na ko.

Nagmamadali akong naligo at nagbihis tapos kinuha yung gamit ko at bumaba. Naabutan ko yung parents ko na nagbebreakfast.

"Yumi, hindi ka na magbebreakfast?" Tanong ni Mama.

"Hindi na po! Late na ko! Byeee~" Tapos patakbo akong lumabas ng bahay. Nakalimutan ko pa tuloy isuot yung charm bracelet na bigay sakin ni Kurt. (Chapter 3) Lagi kong sinusuot yun. Pano nung minsan, nalimutan kong isuot, avah pinagalitan ako at dinakdakan nung mushroom na yun buong araw. Sinasabi ko sa inyo, hindi yun magandang experience -__- Daig pa ni Kurt si Papa kung manermon. Di bale, itatago ko na lang mamaya yung wrist ko at sana'y di niya mapansin.

Hindi na ko nagpahatid dahil malayo pa yung iikutan ng sasakyan kapag nagpahatid pa ko. Dun na ko dumaan sa gate sa likod ng high school building. Yung may abandoned warehouse nung first day ko.  Wala naman siguro dun yung mga lalaking nakalaban ni Kurt nung first day. Ang aga-aga eh. Sipag naman nila kung ganun. (Chapter 3)

Hmm.. Ano bang sasabihin ko? Ah! Third week na ng August. Ilang weeks na din ang nakalipas dun sa araw ng play namin. Guess what? Ewan ko kung anong nangyari pero biglang umiwas sakin si Kyle. Kung dati, hindi ko pa masyadong alam kung pano siya maging 'Ice Prince', ngayon alam na alam ko na. Sobrang stiff at cold na niya sakin. Katulad na lang sa iba. Oh well. Kaya tinatanong ko kanina kay Kitty kung ano bang nagawa ko at nagalit ata siya. Hindi naman sumagot. Haha. 

The day after ng play, binati ko siya katulad ng dati pero hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Tinawanan nga ako nung mga babaeng nakakita. Buti nga daw sakin. Masyado daw akong ambisyosa. Haaay. Tapos tinanong ko din si Kurt kung galit ba sakin yung kambal niya pero ang napakahelpful niyang sagot ay, "May topak lang yun."

Siguro iniisip niyo na masyado akong affected kasi crush ko yun. Hindi po ah. >.< Bothered lang ako kasi iniisip ko na kahit papano magkaibigan naman kami. Kahit naman sinong kaibigan ko ang umiwas sakin magiging bothered  ako.

E BAKIT BA ANG AGA AGA ANG EMO KO?

Nakikita ko na yung warehouse. Ibig sabihin malapit na yung gate papasok ng school. 10 minutes na lang before magtime. Brisk walking!

"Hmm.. Kilala kita ah?" Napatalon ako sa gulat nung may magsalita sa gilid ko sa kaliwa. May katabi akong lalaki. Parang pamilyar siya.. San ko ba 'to nakita?

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Where stories live. Discover now