Chapter 44 [Danger?]

43.3K 664 67
                                    

Chapter 44

[Danger?]


"Ikaw si... Yumi Andrada?" tanong nung Lola Cecile ni Kurt sakin. Waaah. Tatarayan ba ko nito? Ihhh. Pano kung katulad din ito nung Lolo niya? 


 "O-opo."


"Nice to meet you, hija!" Tapos niyakap niya ko. EHH? "Ikaw pala yung kinukwento sakin nung mga apo ko!" Huh? *U*


"Kinukwento po?" 


"Oo. Hihihi. Bah, balita ko love triangle kayo dati nitong kambal kong apo ah." Namula naman daw ako dun. Eh bakit ang daming alam ni Lola? Kaloka :D Char, maka-'Lola' naman ako. Hahaha.


"Tapos alam mo ba dati, kinukwento ni Kurt sakin, gusto ka na daw niya eh ang kaso nililigawan ka pa nun ni Kyl——"


"LOLA!" sabi ni Kurt sa Lola niya habang namumula ng todo.


"Hay nakung bata ka! Sinisigawan mo ba ko? Hala, istorbo ka sa kwentuhan namin ni Yumi! Labas ka nga dun! Shoo." HAHAHAHAHA. Shoo daw? Aso lang XD


"Aish, Lola kasi." sabi ni Kurt habang kinakamot yung ulo pero sumunod naman siya at pumunta dun sa may garden ng bahay.


"Nalaman ko yung ginawa ni asawa ko sa inyo. Pasensya na ha. Yung matanda kasi talagang yun!" 


"Wala na po yun." 


"Kahit pa. Hay nako. Kung bakit ba kasi ngayon lang lumapit sakin si Kurt."


"Ang sabi niya po.. ayaw po niya kayong abalahin lalo pa't alam niyang ayaw niyo nang magkaron ng kinalaman sa.. uhh.. Lolo niya."


"Kung gayun, alam mo na na matagal na kaming hiwalay nung matandang yun?" sabi ni Lola na medyo nagbibiro yung tono pagsabi nung 'matanda'.


"Opo." tapos ngumiti ako sa kanya.


"Alam mo ba, hindi naman talaga kami ganito dati. Ang kaso yung lalaking yun, masyadong makasarili minsan. Kaya hindi ko nakayanan at lumayo ako. Pero para mapangalagaan yung pangalan ng pamilya namin, nagkunwari kaming masaya pa din kahit pa ang totoo, sira na yung relasyon namin. Alam mo, hija, nakikita ko sa inyo kung gaano namin kamahal yung isa't isa dati. Sayang lang at nasira yung meron kami. Sayang at di ko nakuha yung sinasabing 'happy ending'." Bumuntong hininga si Lola ni Kurt. "Pero alam mo, kahit pa naging pangit ang kinahinatnan ng kasal namin, mahal ko pa rin yung dimuhong lalaking yun. Yumi, wag kang mag-alala ha? Ako nang bahala sa inyo at sa lalaking yun. Kakausapin ko siya ng mabuti. Kung dati, tinakasan ko yung sira sa relasyon namin, ngayon hindi na ko papayag na masira pati ang kaligayahan ng apo ko ng dahil sa pagiging makasarili ni Leo. Tama nang hindi kami naging masaya. Gusto ko kayo, maging maayos na. "


"Salamat po."


"Alagaan mo ang apo ko ha? Sa'yo ko lang siya ulit nakitang sumaya. Pagkatapos nung nangyari sa Kuya niya. Matagal din niyang sinisi yung sarili niya dun."

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Where stories live. Discover now