Chapter 40 [Don't give up]

44.3K 725 125
                                    

Chapter 40

[Don't give up]

"Miss na kita."



Ehehehehe. ^___________^ --Puso ko.

Engot mo! Bakit ka kinikilig?! Dapat bitter ka! Dapat galit ka diyan! Di ka pa natuto?!? Gusto mo na naman umiyak ha? --Utak ko.

O di ba, nagkagulo sila? Hahaha. Yun palang sinabi ni Kurt eh. 

Lumingon ako kay Kurt. Ganun pa din yung posisyon niya. Nakasandal sa may locker at nakayuko. Napansin ko din na suot pa din pala niya hanggang ngayon yung kwintas na bigay ko nung mga bata pa kami. Yung merong moon pendant na may star sa dulo.

Sinabi ba niya talaga yun..? O feeling ko lang sinabi niya yun?

Pero imposible.. sigurado ako sa narinig ko.

Umalis na ko. Naguguluhan pero nakangiti.

* * *

*yaaaawn*

Inaantok na ko!! Nawiwindang lang ako sa mga pangyayari ngayong araw. Haaay.

Pinatay ko na yung ilaw sa kwarto ko tapos naglakad na ko papunta sa may kama ko.

Kaso may napansin ako..

May tumigil na motor sa harap ng bahay namin. 

Eh? O_________O

Lumapit pa ko sa bintana. Madilim naman at nandun lang ako sa gilid ng kurtina kaya sigurado akong di ako kita nung driver nung motor.

Tapos inalis niya yung helmet niya.

Si Kurt?

Bumaba siya dun sa motor niya at sumandal dun.

Nakatingin lang siya sa may direksyon nung kwarto ko. Hindi sa tinataguan ko pero sa kwarto ko pa din.

Ilang minuto siguro kami dun. Siya, nakatingin sa kwarto ko. Ako, nakatagong nakatingin sa kanya.

Oo sige, muntanga kaming dalawa. =_____=

Tapos bigla siyang nag-sigh at sinuot ulit yung helmet niya at sumakay sa motor niya.

Seriously, walang sense yung nangyari na yun pero bakit di na maalis yung ngiti ko?

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Where stories live. Discover now