Chapter 34.2 [Together]

46.2K 639 102
                                    

Chapter 34.2

[Together]

(Kurt's POV)

Ground Zero.

Magulo pa din. -____-

Pero di bale na, hinahanap ko lang naman dito ay yung Philip na yun.

Tss.

Galit ako sa kanya. Galit na galit. Langya, pinatay niya yung kuya ko! Tapos ginamit niya ko para mangyari yun. Dahil dun, natakot akong magtiwala sa mga tao. Kasi naiisip ko na baka lokohin lang din nila ako at madamay na naman yung mga taong mahal ko dahil sa katangahan ko.

Kulang pa yung suntok ko kanina sa g*gong yun kumapra sa galit ko.

Pero gusto ko na lang ngayon? Kausapin siya at pilitin siyang sumuko sa sarili niya sa mga pulis at aminin yung nagawa niya.

Gusto ko lang naman magkaron ng hustisya yung pagkawala ni Kuya eh. Yung pagiging ulila ngayon ni Keira.

Okay na yun. Noong una, oo gusto kong gumanti. Bugbog kung bugbog. Pero wala eh, puro galit lang yung iniisip ko dati.

Pero nung makita ko ulit si Strawberry? Wala na. Siya na eh. Siya na yung una sa lahat. Siya yung una kong iniisip bago lahat.

At kaya ko gagawin 'to ngayon ay para hindi kami masyadong maapektuhan sa mangyayari.

Kung si Philip na yun na mismo yung susuko, iwas gulo. At alam ko naman kasi na masasaktan si Yumi kung makulong yung kuya niya eh. Malapit din sa kanya yun. Pero kung ganito, mas konti yung sakit para sa kanya.

Naabutan ko si Philip kasama nung ni Patrick at nung gang niyang Red Warriors.

Tss.

Tumatawa siya ngayon at buhay. Eh yung kuya ko?! Wala na ngayon! Ni hindi man lang niya nalaman na nagkaron siya ng anak. Nakakaloko.

Nilapitan ko sila. Nung makita nila ako, tumahimik silang lahat.

"Musta, Villanueva?" bati ni Philip na parang magkaibigan kami at di ko siya sinuntok kanina.

Tss. Kung iisipin, siyam na taon ang tanda niya sakin. Nakikipag-away ako sa matanda -___-

"Alam mo yung nangyari seven years ago. Alam mo yung nagawa mo. Pagbayaran mo yung ginawa mo!"

"Anong gusto mo? Sumuko ako sa pulis ganun?" --Philip

"Oo."

Nagsmirk siya. "Eh anong gagawin mo kung sabihin kong sa'yong ayaw ko?"

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Where stories live. Discover now