IKA- 1 NA LABAS

53.7K 829 48
                                    

NOTE: ITO PO AY UNEDITED VERSION. PARA SA BOOK VERSION, MAAARI PO KAYONG BUMILI SA MGA PRECIOUS PAGES STORES NEAR YOU. IDE-DELETE KO DIN PO ANG STORY NA ITO SOON KAYA BASAHIN NIYO NA PO. SALAMAT :)

IKA- 1 NA LABAS

VALENTINA'S POV

"VALENTINA, Valentina, Valentina..." naiiling ang editor ng Precious Life Publishing Corporation na si Miss Agatha habang binabasa niya ang manuscript na ipinasa ko sa kanya.

                Napalunok ako ng laway. "B-bakit po, Miss Agatha? M-may problema po ba sa manuscript ko?" kinakabahan kong tanong. Kung tataunin ay first time na marereject ang story na ipinasa ko sa PLPC simula ng maging contract writer nila ako ten years ago.

                Iniharap niya ang laptop niya sa akin. "Actually, it is perfectly written! Walang mali except sa genre nito. Another teen-fiction? Are you serious? Hindi mo ba nareceive ang memo na ipinadala ko sa iyo last month?"

                "Nareceive ko po..." nakayuko kong sagot.

                Mabait naman talaga si Miss Agatha. Nakakasama pa nga namin iyan sa mga gimikan at outing pero very professional talaga niya pagdating sa trabaho. Walang kai-kaibigan. Walang ka-close-close!

                "Binasa mo ba ang memo, Valentina?"

                "Binasa ko po."

                "And what? Ano ang nabasa mo sa memo ko sa iyo?"

                Napiga ko ng kamay ko ang laylayan ng palda ko nang tingnan ko si Miss Agatha straight to her face. "Pero, Miss Agatha---"

                "No, Valentina! Ano ang nakalagay sa memo?!" medyo dumadagundong na sa apat na sulok ng office niya ang kanyang boses.

                Napayuko akong muli. Tila may bara ako sa lalamunan na pumipigil sa akin na magsalita. "N-no more teen-fiction..." sa wakas ay nasabi ko na.

                "Iyon naman pala. Nabasa mo at sigurado naman ako na naintindihan mo ang ibig kong sabihin, diba?" Tumango na lamang ako bilang pagtugon. "Okey, ipapasa ko ang story mo na ito pero please lang...last na teen-fiction mo na ito. To tell you the fact, hindi na ganoon kabenta ang stories mo. Nagbabasa ka rin naman siguro ng comments sa iyo ng readers mo sa fan page mo. Anong sabi nila?"

                "Paulit-ulit na lang daw ang story ko." Masakit para sa tulad kong writer na sabihin iyon. Pakiramdam ko ay nilait ko ang sarili kong kakayahan ng mga oras na iyon. "Kung hindi high school na magkakainlaban ay magbestfriend na magkakagusthan ang plot ko. Pero hindi ko na sila pinapansin kasi sabi nga ng iba learn the art of deadma kapag may haters ka. So, iyon po ang ginagawa ko. I ignore them!"

Size MattersWhere stories live. Discover now