IKA- 2 NA LABAS

35.8K 663 120
                                    

IKA- 2 NA LABAS

 

 

 

 

 

VALENTINA'S POV

DINAMPOT ko iyong bote ng Emperador nang malakas akong tawanan ni Antonn. "Ipapasok ko ito sa puwet mo kapag hindi ka tumigil sa kakatawa, bakla ka!" banta ko sa kanya pero hindi talaga siya maawat sa pagtawa. Akala mo ay wala ng bukas. Seriously, nakakatawa ba talaga ang pagiging virgin ng isang babae na nasa trenta anyos na?

                "Kung ganun...hindi ako titigil sa pagtawa!" ani Antonn na panay ang tawa sabay tuwad sa harapan ko. "Come on! Give it to me now! I'm waiting. Ipasok na 'yan!"

                Malakas kong pinalo ang puwitan ni Antonn. "Ang halay mo talaga, Antonn! Umayos ka nga!"

                Muli siyang umupo sa harapan ko at tinungga ang alak sa kanyang baso. Pinahid niya ng daliri niya ang luha sa gilid ng kanyang mga mata bunga ng sobrang pagtawa. "Kaloka ka, mare! Virgin ka pa talaga?"

                "Paulit-ulit? Sinabi ng oo!" medyo naiirita kong sabi.

                "But thirty-two ka na, diba?"

                "Ano naman kung virgin pa ako sa edad kong ito?! Nakadagdag ba iyon sa polusyon ng Pilipinas? May naaagrabyado ba akong tao dahil wala pa akong karanasan? Atleast, hindi ako tulad ng ibang mga babae diyan na kung kani-kanino nakikipag-chuk-chakan!"

                Tinawanan lang ako ni Antonn. "Pero ginagamit mo naman ang fingers mo?"

                Pinanlakihan ko ng mata si Antonn. Pakiramdam ko ay na-violate ang pagkababae ko sa tanong niyang iyon. "Diyos ko, Antonn! Bunganga mo naman!"

                "Alam mo, hanga rin ako sa iyo kasi naitago mo ito sa akin. At alam ko na kung bakit hanggang ngayon ay virgin ka pa rin. Napaka-manang mo!"

                "May manang bang nagsusuot ng skirts at sleeveless?" tinaasan ko siya ng kilay.

                "Valentina, hindi lang sa pananamit nakikita ang pagiging manang kundi pati na rin sa paniniwala at ugali. Look at you, makarinig ka lang ng mahahalay na salita akala mo ay nagahasa ka na."

                Muli akong nagsalin ng alak sa baso. "Alam mo, Antonn...nagkukwento ako sa iyo hindi para laitin o sermunan mo. Nagkukwento ako kasi gusto kong bigyan mo ako ng pwede kong gawin para makapagsulat ako ng isang erotic story!"

                Sandaling nag-isip si Antonn at bigla itong tumayo. "Alam ko na! Sandali lang at may ibibigay ako sa iyo..." umalis sandali si Antonn at pumunta sa kanyang kwarto. Pagbalik niya ay may dala-dala na siyang mga DVD. "Oh, ayan... Panoorin mo lahat ng iyan!"

Size MattersWhere stories live. Discover now