IKA- 3 NA LABAS

36.3K 569 90
                                    

IKA- 3 NA LABAS

 

 

 

 

 

VALENTINA'S POV

"PLEASE, get me another red ballpen," utos ni Miss Agatha sa secretary niya na si Yolly.

                "Eto na lang po," offer ko sa red ballpen ko.

                Napailing siya. "Kulang iyan, Valentina. Sa dami ng errors na kailangan kong bilugan at guhitan dito sa printed manuscript na ipinasa mo...I don't think sapat na ang isang red ballpen."

                Nakakainsulto at masakit para sa akin ang sinabi niyang iyon sa akin. Ngayon lang niya ako nasabihan ng ganoon. Pakiramdam ko tuloy ay isa lang akong pipitsuging writer na irereject ng editor na pinagpasahan nito.

                "H-hindi niyo ba nagustuhan ang first erotic story ko na ipinasa ko sa inyo. Pina-print ko pa po iyan para hindi sumakit ang mga mata niyo sa pagbabasa..." Hindi yata ako makakapayag na marereject ang first chapter ng first erotic story na isinulat ko. First chapter pa lang kasi ang nagagawa ko at pinakita ko na agad iyon kay Miss Agatha para sa kanyang opinyon.

                "Well, you are wrong. Hindi lang mata ko ang sumakit sa pagbabasa ng manuscript na ito kundi pati ulo ko ay sumakit! Ano ba ito? Ito na ba ang erotic para sa iyo? Puro ahhh...ohhh!" Pinigilan ko ang sarili ko na matawa nang bigkasin ni Miss Agatha iyong "ahhh" at "ohhh". Talagang nilagyan pa niya ng feelings! "Hindi lang puro sa sex umiikot ang isang erotic story, Valentina. Kailangang may kwento pa rin ito at hindi iyong tulad nito! Trash!" at ibinagsak niya sa ibabaw ng table ang manuscript ko.

                Trash!

 

               Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa sinabing iyon ni Miss Agatha. Kinuha ko ang manuscript ko. "Hayaan niyo po at aayusin ko na sa susunod. S-saka, first chapter pa lang po naman iyan..."

                "Valentina..." biglang naging malumanay ang boses niya. "Sana huwag mong isipin na nilalait ko ang kakayahan mo. This is all for you. As a writer, you have to grow."

                Tumango ako. "Naiintindihan ko po." Pero ang totoo ay nasaktan ako sa sinabi niya.

                "You may go." aniya. "Alam mo na siguro ang resulta ng ipinasa mo?"

                Tumango na lang ako bilang pagsagot. Ayaw kong marinig sa bibig ng editor ko ang salitang "rejected".

                Paglabas ko ng opisina ni Miss Agatha ay sumalubong sa akin si Kristine Cecillia. Magsing-edad lang kami pero masasabi ko na mas sikat talaga siya sa akin. "I can teach you how to write an effective erotic story, Valentina..." hindi ko gusto ang paraan ng pagkakangiti niya sa akin. Parang nakakaloko!

Size MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon