IKA- 4 NA LABAS

31.7K 541 70
                                    

IKA- 4 NA LABAS

 

 

 

 

 

VALENTINA'S POV

 

AUTOMATIC ang pagsimangot ng aking mukha nang makita ko na makakasalubong ko si Kristine Cecillia sa hallway. Tumigil ako sa harap ng elevator at pinindot ko ang button na pataas. Papunta kasi ako sa fifth floor dahil nandoon ang office ko. Dito kasi sa Precious Life ay may kanya-kanyang opisina ang bawat exclusive writers nila. Pwede kang magsulat sa office at pwede rin sa bahay.

                Sumabay si Kristine Cecillia sa pagpasok ko sa elevator nang bumukas iyon. Pinindot ko ang number five habang number twenty-five naman sa kanya. Kami lang dalawa ang nasa loob. Hindi ko siya iniimikan. In fact, ay todo-simangot ako sa kanya habang siya ay tila relax na relax lang.

                "Open pa rin ang offer ko na turuan ka how to write an effective erotic story, Valentina," basag niya sa katahimikan sa loob ng elevator. Hindi ako nagsalita. "It's for free. Tulong ko na sa iyo bilang co-writer naman kita."

                Tiningnan ko siya at nginitian niya ako. Mapang-asar na ngiti. Hindi ko alam kung sincere ba siya sa sinasabi niya o gusto lang niyang sirain ang araw ko. Ginantihan ko siya ng isang pilit na ngiti. "No, but no thanks na lang, Kristine Cecillia."

                "Bakit ba hindi mo kayang magsulat ng erotic story? Sayang, iyan pa naman ang trend ngayon..."

                Eh, ano naman ang pakialam ng babaeng ito kung hindi ko kayang magsulat ng ganoong kwento. "Inaalala ko kasi ang mga kabataang makakabasa ng mga sinusulat ko."

                "Teenagers now are wise readers. Saka nasa writer naman iyan kung paano niya i-e-express ang mga ideas niya. Like me, 'yung mga bed scenes sa story ko, I do it tastefully done! Very artistic!"

                "Kahit na. Bed scene pa rin iyon."

                "Nakipag-sex ka na ba, Valentina?"

                Nagulat ako sa tanong niya. Nanlalaki ang mga mata na napatingin ako sa kanya. "Anong sabi mo?!"

                "I am asking you kung nakipag-sex ka na? Imposible namang hindi pa, di ba? You are old enough."

                Kung maka-old naman ang Kristine Cecillia na ito, parang gusto ko siyang ingudngod sa floor ng elevator na ito!

                Ting!

 

                Save by that "ting". Bumukas na ang pinto ng elevator at ibig sabihin nun ay hindi ko na kailangang sagutin ang tanong niyang iyon. "I have to go!" sabi ko. Pero bago ako lumabas ng elevator ay pinindot ko lahat ng number button sa elevator. Mabilis akong tumakbo palabas habang dinig na dinig ko ang galit na galit na boses ni Kristine Cecillia na minumura ako.

Size MattersWhere stories live. Discover now