IKA- 5 NA LABAS

31K 542 45
                                    

IKA- 5 NA LABAS

 

 

 

 

 

VALENTINA'S POV

 

RED lipstick? Pak!

                Red dress? Check!

                Red stiletto? Pak!

                Crazy hair style? Pak! Check!

                "Ano ba naman itong pinaggagawa mo sa akin, Antonn ka?! Ang sabi ko pagmukhain mo akong elegante hindi chipipay!"

                Ini-spray sa akin ni Antonn ang isang pabango na hindi ko maintindihan ang amoy sa sobrang tapang ng scent niyon. Nandito kami sa aking kwarto at inaayusan niya ako. Makikipagkita na kasi ako kay Duxs Dakota. Pangalan na pangalan pa lang, alam mo nang malaki ang kargada! Duxs na, Dakota pa! Saan ka pa, di ba?

                Nagkakilala kami ni Duxs sa Facebook. Wala lang, basata nagkakilala kami doon. Chat, chat. Pogi naman siya. Parang sa pagkakatanda ko, half-Brazilian siya at half-Pinoy. Tuwang-tuwa pa nga noon si Antonn, ang sabi niya si Duxs daw ay may laki ng Brazilian at tigas ng isang Pinoy. Bongga na daw iyon. Matutupad na daw ang pangarap ko na ang makakuha ng pagka-birhen ko ay isang lalaki na may malaking kargada! Siyempre naman, ilulugso mo na rin ang virginity mo dapat make it memorable. At balik na tayo kay Duxs...iyon nga after ng isang buwan namin na pagcha-chat ay nalaman ko na isa siyang freelance model at thirty-four years old na siya. Bagay na bagay ang edad namin, di ba? At meron din siyang condo! I will bring him foods some other time there.

                Ibinalik na ni Antonn iyong pabango sa kikay bag nito. "Ano ka ba, Valentina? Iyan ang uso ngayon na fashion. Sexy and wild! Fierce! Rawr! Move like a tiger, Valentina!"

                "Oo, at pag ako naging tiger, lalapain kita hanggang sa mamatay kang bakla ka! Naku! Kapag hindi talaga ako nagustuhan ni Duxs sa first date namin..." inaayos-ayos ko pa ang boobs ko dahil hindi pantay. Lumabas na ako ng kwarto ko matapos kong tingnan for the last time ang aking sarili sa salamin.

Size MattersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon