Basic (Technicalities)

161 35 0
                                    

"There is no greater agony than bearing an untold story inside you."
― Maya Angelou

--

Tama nga naman. Minsan talaga, mararanasan mo ang pagkakataon na nais mong magsulat pero hindi mo magawa. Maaaring dahil tinatamad ka, o baka naman wala kang oras. Marami pang ibang dahilan kung bakit hindi mo masimulan ang pagsusulat ng isang akda.

Pero bago mo subukan na pasukin ang larangan ng pagsusulat, mas mabuti kung armado ka ng kaalaman sa mga bagay na dapat mong malaman bago ka pumasok sa larangang ito. Unang-una na sa mga ito ay ang Technicalities.

Sa unang parte ng gabay na ito ay bibigyan natin ng diin ang mga bagay na sa tingin natin ay basic o alam na natin, pero sa totoo lang ay marami pa rin ang nalilito o nagkakamali sa paggamit.

Sisimulan natin ito sa Punctuation Marks.

The Write PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon