[3] Question Mark Rules

41 11 0
                                    

Tandang Pananong/Question Mark (?)

A. Ginagamit ang tandang pananong sa katapusan ng pangungusap na nagtatanong.
Halimbawa:
a. Nene, kumain ka na ba?
b. Crispin, nakita mo ba si Basilyo?

B. Ginagamit din ang tandang pananong na nasa loob ng panaklong kapag hindi tiyak o may pag-aalinlangan ang diwa ng pangungusap. Ngunit, kung pormal na paraan ng pagsusulat ang sinusunod, hindi ito madalas ginagamit, sa halip, mga salitang nagpapakita ng pag-aalinlangan ang ipinapalit.
Halimbawa:
a. Si Agatha (?) ang kumuha ng ballpen mo.
b. Pumunta si Bernard (?) sa silid-aklatan.
(Pormal)
c. Si Agatha yata ang kumuha ng ballpen mo.
d. Marahil ay pumunta si Bernard sa silid-aklatan.

The Write PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon