[4] Exclamation Mark Rules

46 11 0
                                    

Tandang Padamdam/Exclamation Mark (!)

Ginagamit ang tandang padamdam sa hulihan ng isang kataga, parirala, o pangungusap na nagpapahayag ng matindi o masidhing damdamin o emosyon.
Halimbawa:
a. Aray! Bakit mo naman ako kinurot?
b. Hoy! Umalis ka riyan.

Tandaan:
i. Kahit masyadong matindi ang mga pangungusap, iwasan pa rin sunod-sunod na paggamit ng tandang padamdam. Huwag din itong gagamitin nang maramihan.
Halimbawa:
a. Hoy! Bumalik ka ritong bata ka! Malilintikan ka sa akin! (Mali)
b. Hoy! Bumalik ka ritong bata ka. Malilintikan ka sa akin. (Tama)
c. Baste! Gumising ka na!!! (Mali)
d. Baste, gumising ka na! (Tama)

ii. May pagkakataon na tandang padamdam ang ginagamit na bantas sa pangungusap na nagtatanong, iyon ay kung mas matimbang ang emosyon kaysa sa tuno ng pagtatanong. Kadalasan ay ginagamit din ang interrobang (‽), o ang pinagsamang tandang pananong (?) at tandang padamdam (!). Subalit, dahil ito ay maituturing na 'modern mark' ay hindi ito inirerekomendang gamitin sa pormal na pagsusulat.
Halimbawa:
a. Babalikan mo ako o magpapakamatay ako?
b. Nasaan ka noong panahong nagugutom kami ng anak mo?
c. Sawang-sawa na ako! Hanggang kailan mo pa ako balak na lokohin?!
Kung tutuusin, ayos namang basahin, pero parang kulang sa emosyon. Kaya mas mabuti na tandang padamdam ang gamitin.
a. Babalikan mo ako o magpapakamatay ako!
b. Nasaan ka noong panahong nagugutom kami ng anak mo!
c. Sawang-sawa na ako. Hanggang kailan mo pa ako balak na lokohin!

The Write PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon