[8] Parenthesis Rules

47 9 1
                                    

Panaklong/Parenthesis (())

Tinatawag din ito minsan na 'round brackets' o 'curved brackets.'

A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.
Halimbawa:
a. Ang aming guro (Juan Mariano) ay ginawaran ng natatanging parangal.
b. Ang aking aso (bulldog) at pusa (bengal) ay laging magkaaway.

B. Ginagamit sa pamilang na nagpapahayag ng taon.
Halimbawa:
a. Merriam Defensor Santiago (1945-2016)

C. Ginagamit sa pamilang o halaga na inuulit upang tiyakin ang kawastuhan.
Halimbawa:
a. Taong daan at animnapu't isang (361) sundalo ang lumahok sa pagdiriwang.

D. Ginagamit upang bigyang paliwanag sa isang salita, parirala, o pangungusap.
Halimbawa:
a. Si Sergio Osmeña, Sr (ang ika-apat na pangulo ng Pilipinas) ay pumanaw noong taong 1961.

Tandaan:
Sa pormal na paraan na pagsusulat ay mas iminumungkahi ang paggamit ng kuwit kaysa sa panaklong kung may karagdagang paliwanag ang isang pangungusap.

E. Para ipabatid ang hindi tiyak na dami o bilang ng isang bagay.
Halimbawa:
a. Did you bring your cell phone(s)?
b. Kasama mo ang (mga) anak mo?

Tandaan: Hindi rin ito madalas ginagamit sa pormal na paraan ng pagsusulat. Kalimitan itong nakikita sa mga nakasulat na tanong lalong-lalo na sa mga social media site.

F. Para magdagdag ng personal na kumento sa isang pangungusap.
Halimbawa:
a. Marami ang nadismaya sa nangyaring eleksyon (isa na ako roon).

G. Upang ibigay ang kahulugan ng daglat o abbreviation.
Halimbawa:
a. Ayos sa NASA (National Aeronautics and Space Administration) ay lumiliit daw ang buwan.

Tandaan: Katulad ng nabanggit sa itaas, kung pormal ang paraan na sinusunod mo sa pagsusulat, hindi inirerekomenda ng mga gramaryan ang paggamit ng panaklong. Hangga't maari ay iwasan ito.

The Write PathDonde viven las historias. Descúbrelo ahora