Intro

165 33 1
                                    

Hi there!

I created this craft to compile what I actually learned so far. Sa ganitong paraan, hindi lang na maaari kong balikan muli ang mga ito, kundi alam ko na aking maibabahagi rin sa iba ang mga natutunan ko. Sabi nga nila, sharing is caring.

Susubukan ko na isali rito ang halos lahat. Simula sa basics, hanggang sa mga 'Must Know' na natutunan ko mula sa aking pagbabasa ng iba't ibang mga article at pati na rin sa mga co-writer ko.

Pero bago ang lahat, gusto ko lang na bigyang diin ang isang bagay. Na sa punto na nagsulat ka na ng isang istorya, hangga't maaari, tapusin mo iyon.

Bakit?

Isipin mo ang mga karakter sa loob ng iyong kuwento na na-stuck na lang bigla ang buhay. Pati na rin ang mga posibleng mambabasa mo na umaasa sa karugtong ng mga chapter na nabasa nila, at lalong-lalo na sa ending ng iyong istorya.

Hindi dapat na dahil may naisip ka na maganda na plot ay magsusulat ka kaagad. Hindi rin dahil uso. Sa halip, gawin mo iyong inspirasyon. Itanong mo sa sarili mo kung bakit mo iyan dapat isulat, at dapat ba talaga? Ano ang purpose ng kuwento mo?

I, personally, encourage everyone to write something with purpose. To make a story worth reading. And to encourage anyone to do something, or to learn new things.

Dahil katulad mo rin bilang mambabasa, may hinahanap ka sa isang kuwento. Maaaring life lessons, kilig factor, para lumawak ang bokabularyo mo, o sadyang pampalipas lang ng oras.

Writing is actually free for all, and will always be. However, it requires passion, dedication, inspiration, and planning.

Tandaan mo na katulad ng ibang mga gawain, sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong maglaan ng oras sa kuwento na iyong isusulat/isinusulat.

Ngayon, sisimulan natin ang gabay na ito sa mga Basic na dapat malaman sa pagsusulat.

The Write PathWhere stories live. Discover now