ONE

73.3K 887 36
                                    

"Sarah! Bakit ka ba tulala?" Niyugyog ni Yumi ang balikat ko. Hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko yung pinag usapan namin ni Ninang Susan. A fake engagement with her son? And I can't believe mom and dad approved to this!


Alam ko naman na may pinangako sila kay Ninong Steve before he died, hindi ko lang sure bakit pati ako dawit. Pero hindi ko kayang hindian si Ninang Susan. She told me that I'm the only choice she's left. She tried everything she could to tame her so called 'beast' son. And this is her last resort.


"Iniisip ko kung pano yung gagawin natin sa thesis reporting mamaya. Kinakabahan ako."

"Wag kang kabahan. Wala ka bang tiwala sa bestfriend mo?"

"Actually parang wala eh. Ilang beses mo na yan sinabi pero nauutal ka pag dating sa harap!"

"Eh ngayon hindi na! Nag practice na ako sa bahay kung pano hindi mautal."

"O pano?" Tanong ko sakanya habang paupo kami sa usual spot namin sa canteen. Lunch break ngayon at pinag hahandaan namin ang thesis presentation mamaya. Graduating pa naman kami kaya dapat seryosohin na.

"Hindi na ako mag sasalita. Ikaw na lang. Ako na lang tiga lipat ng powerpoint."

"Alam mo wala ka talagang dulot. Tara na nga." Hinala ko sya patayo para makabili kami ng makakain.


After lunch break. Pumasok kami sa next class namin which is yung sa thesis proposal. As what Yumi said earlier, ako lang ang nag salita at siya ang nag lilipat ng powerpoint. Ang galing lang.


After class, nag hiwalay na kami ni Yumi kasi nasa kabilang wing ng parking naka park yung driver nila at ako naman sa east wing. Habang papalakad ako nadaanan ko yung maliit na eskinita sa may college of nursing na lagi ko tinitignan. But this time, napahinto ako dahil ang daming tao sa eskinita na yon at parang may gulo.


And as me, being myself, nangangati ang mga paa ko kaya naman lumapit ako sa banda na 'yon. Sumampa ako sa may gutter para mas makita ko ang mga nangyayari. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang nandon. Yung anak ni Ninang Susan! Ano ba kasing pangalan nito? Mark?


Nakita kong may sugat siya sa labi at naka tingin siya sa lalaking naka handusay sa baba. The crowd was cheering for him. Natigil ang ingay nang may pumito ng whistle hudyat na paparating na ang mga guard.


Sa sobrang bilis ng mga pangyayari nadamay ako sa pag takbo ng mga tao. Ang bilis ng takbo ko halos sampung segundo ay nasa east wing na ako. Kaagad akong sumakay sa sasakyan.


"Ma'am okay lang po kayo?" Tanong sakin ni Manong.

"Yes kuya. Uwi na tayo." Hindi ako pwedeng ma-late ng uwi ngayon dahil may special dinner daw sa bahay sabi ni daddy.


Pag dating ko sa bahay ay wala pa ang mga magulang ko, baka nasa trabaho pa. Maaga ako nakauwi kaya nagkaron ako ng pag kakataon matulog muna.


Pag gising ko ay naligo na kagad ako at nag bihis. I wear my new floral dress and I partnered it with a doll shoes. I blowed dry my hair para mas lalong bumagsak ang itsura nito. Dahil 'special dinner' daw ito, I put on some tint to my cheeks and lips. I have a thick groomed brows and natural thick lashes. My skin is pale, but not as pale as my mom.


Pag baba ko, naririnig ko ang tawanan sa dining area. Pag silip ko ay nandun si Ninang Susan. Napatingin siya sa gawi ko at ngumiti.


"Iha! Napaka gandang bata talaga." Sabi niya sakin at bineso ako.

"Syempre mana ako sainyo ni Mommy, Ninang."

"Hindi lang maganda ha! Bolera pa."

"Kanino pa ba mag mamana mare?" Singit ni mommy.

"E diba diyan ka na huli ni Emilio? Sa mga pambobola niya?"

"Atleast kita mo naman kung saan ang narating ng mga pambobola ko nung college." Tumawa si papa at hinalikan sa pisngi si mommy.

"Hay nako. Ang saya sana lang ay nandito si Steve para makita niya kung gaano na tayo ka-successful." Humupa ang tawanan. Naging malungkot ang aura ng bahay dahil sa sinabi ni ninang. Lumapit kami ni Mommy sakanya at niyakap siya.

"Don't worry mare. Steve knows it. He's always watching us up there." Ani ni Mommy.

"Nandito ba siya? Sa bubong niyo? Paki sabi naman lipat siya sa bubong namin." Pag bibiro ni tita.


Tinuloy na ang kwentuhan sa dinning table. Habang kumakain kami at masayang nag kukwentuhan, nag ring ang phone ni Ninang Susan.


"Excuse me lang ha? Hello?" She said and take the call. "Speaking." Pag tuloy niya. Maya maya ay biglang nag bago ang itsura niya. Napahawak siya sa bibig niya.

"Good evening po. Sorry I'm late." Napatingin kaming lahat sa nag salita. Napataas ang kilay ko ng makita ko si Mark na may sugat sa bandang labi.

"Alright. Thank you." Pag baba ni tita sa call at tumayo mula sa pag kakaupo.

"Your dean called me again. What is it this time Mark Harrold? Really? Nakikipag away ka sa loob ng campus niyo? What the hell is your problem?" Tumaas ang tono ni tita.

"Susan, we'll talk to him later. Pakainin mo muna ang bata. Mark iho, umupo ka muna." Ani ni Mommy at tinuro ang vacant seat sa tabi ni Ninang Susan, sa harap ko.

"No Emilia! Sumusobra na ang batang ito! Hindi ko alam kung anong nangyari at bigla siya nag kaganito." Pag singhal ni tita sa anak.

"Susan calm down."

"What are you gonna do this time mom?" Sabi niya habang ngumunguya ng steak. Hindi man lang niya tignan ang Mommy niya. Bastos.

"I'll freeze your bank accounts. I'll take your car. And you're ban at home."

"Then I'll take Julia's condo."

"No you will not. I will ban you to that place as well." Napatingin siya sa sinabi ng mama niya.

"Where do you want me to live?" Pag hamon niya.

"Here."

"Here?"

"Yes. At your fiancé's place."


Tumayo lahat ng buhok na pwedeng tumayo sa katawan ko sa narining ko. Napainom ako ng tubig.


"Fiancé? Did I heard you right?" Binatawan niya ang utensils niya at tinuon ang buong attention sa Mommy niya.

"Yes you heard me right. You'll live at Sarah's place. Your fiancé."

My Husband is a GangsterWhere stories live. Discover now