THIRTEEN

47.4K 526 19
                                    


We all ate our dinner in silence. Walang gustong mag salita after umalis ni Tania at Mark. Yes, umalis si Mark para ihatid si Tania sa mga kaibigan niya pero hanggang ngayon ay wala siya. Sometimes, I feel they're looking at me na parang pwede akong mabasag anytime. 


When we finished eating, Jude, Khali and Vico excused themselves, mag yoyosi lang daw sila saglit tapos babalik din. Nagulat ako ng hindi sumama si Reiji sakanila at lumipat siya sa tabi ko. 


"Are you okay?" Kagad siyang binatukan ni Yumi. "Aray ko naman!" 


"Bakit mo ba siya tinatanong eh obvious naman na hindi siya okay," Ani ni Yumi. Nang hindi sumagot si Reiji, nag patuloy siya. 


"Ex girlfriend naman na 'yun, sis. Ex. Past. Nakaraan. Atsaka akala ko ba fixed marriage lang kayo, bakit parang may feelings involved na?" 


Hindi ko alam ang isasagot ko dahil ako mismo tinatanong ko din yun sa sarili ko lalo na these past few days. Bakit ako naapektuhan ng ganito? Well, siguro nga, baka nga, lolokohin ko ba ang sarili ko na hindi ko siya gusto? Gusto ko siya. Hindi naman mahirap magustuhan si Mark eh. Hindi naman mahirap mahulog sa isang tao. Ang mahirap lang yung mga dating tao sa buhay niya na pilit bumabalik, yun ang mahirap tanggapin. 


"Do you like him?" 


"Hindi naman na 'yon ang tanong dito," I said in a low voice. "Ang tanong ay kung gusto niya pa ba yung model na 'yun." 


"Mukha namang hindi na affected si Mark eh." 


"Anong hindi? Kita mo kanina napatayo pa nga. Ang hirap pag yung ex mas maganda sayo eh!" Nafu-frustrate kong sabi. 


"Iyon!? Maganda!?" Reiji scowled and make a face. "Hindi naman yun maganda eh! Naka short lang siya. Atsaka ang kapal ng make up, kita mo? Mas maganda pa din yung mga babaeng simple at walang make up katulad mo. No offense sis," tinignan niya saglit si Yumi at binalik sakin ang tingin. "Mas maganda ka dun, Snow." 


"Oo nga! Mukha lang siyang model pero malay mo amoy sisig yung hininga niya, diba? Kasi hindi naman lahat binibigay ni Lord." Ani ni Yumi. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pinag sasabi nitong kambal na 'to pero that made me smile. Sobrang thankful ako sa dalawa na 'to ever since. 


Nang dumating yung tatlo, nanibago ako dahil ang iba ang aura nila. Kung kanina ay mga jolly sila, ngayon naging seryoso sila, lalo na si Khali. He looked at me na parang pwede akong mabasag everytime. Kitang kita mo sakaniya na nag aalala siya para sakin. Tumayo na kami dahil nag aya ni si Yumi uminom. Nag lakad lakad kami sa shore at nag hanap ng bar. Huli kami ni Khali nag lalakad sa likod at sumusunod lan sakanila. 


"You okay?" Tanong niya. 


"Of course." 


"So," he cleared his throat and continue. "Is she the same Tania  you are asking me the other day?" I sighed. I closed my eyes and slowly nodded at him. 

My Husband is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon