SEVENTEEN

34.2K 411 59
                                    

Don't forget to vote and comment.

____________________________________________


"Ang hirap naman ng pinapagawa ni Ms. Martinez! Wala ba siyang lovelife?" Ani ni Yumi ng matapos ang klase namin. 


"Ano naman connect nun?"


"Feeling ko dinadamay niya tayo sa pagiging malungkot niya." 


"Wala ka din naman lovelife, ah?" 


"Hindi ka sure, sis." Gulat akong napatingin sakaniya. 


"Meron!?" Tanong ko sakaniya. "Sino? Bakit hindi mo sinasabi sakin?" Nagtatampo kong sabi. 


"Baka ma-jinx, eh. Next time ko na kwento pag sure na," She winked. Sa bagay. Pero nakakapag tampo pa din. Hmp. 


Papunta kami ngayon sa cafeteria para mag lunch. Iniisip na naming dalawa kung san kami tatambay after namin kumain dahil mahaba haba nanaman ang vacant namin. Umorder muna kami ng food bago kami nag hanap ng mauupuan. 


"Hmm himala. Wala yung mga asungot." 


"Uy namimiss na si Jude," Panunukso ko sakaniya. Umirap kagad siya. 


"Ew, Sarah! Mag sign of the cross ka nga. Bakit mo sinasabi yung pangalan ng kampon ng kadiliman na 'yon?" 


"Bakit ba ang init ng dugo niyong dalawa sa isa't isa? Okay naman si Jude, ah?" 


"For you, not for me. Tawagin ba naman akong kabit ni Satanas?" Iritableng sabi niya. Tumawa ako dahil naalala ko na iyun nga ang tawag sakaniya ni Jude. 


Nag start na kaming kumain ni Yumi atnag kwentuhan. Ang dami naming pinag usapan na mga topic, pa iba iba. May iba sa school, nung weekend, about sa bagong series sa Netflix. Hindi ko namalayan ang oras, mahigit isang oras na pala kamign nag kukwentuhan at hanggang ngayon wala pa ring gumugulo samin. Usually mag kakasabay kami ng break, pero hanggang ngayon wala pa sila. 


"Hay! Ngayon na lang ulit ako nakakain ng matiwasay at walang nakikikain sa pagkain ko." Ani ni Yumi pag katapos niyang kumain. "Nakakamiss yung ganitong feeling," Tumawa siya. 


"Ewan ko sayo, Yums." 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Husband is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon