TWO

54.4K 774 39
                                    

"You've got to be kidding me."

"I'm not. Actually, Sarah knows about this and your ninong and ninang as well. I set this dinner for that." Mark looked at his mother with disbelief and looked at me. Nakipag titigan din ako sakanya.

"You knew about this?" Singhal niya sakin.

"Uh—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumingit si Ninang.

"Watch your tone there young lad. That's your fiancé you're talking to."

"She's not my fiancé. I didn't agree with any of this shit! You made this all up! I'm done." Tumayo siya mula sa pag kakaupo at dumerecho sa labas. His mom sighed.


Mom and dad looked stress with the situation as well. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya, she gave me her reassuring smile.


"Sorry for the fuss. He'll come around." Sabi ni Ninang at umupo ulit.

"Susan don't you think you're being hard on him?" Ani ni Mommy.

"He needs to learn the hard way Emilia. And besides, he's my son. I know what's best for him." Ani ni Ninang at kumindat sakin.

"Maybe he just need someone to be there for him. To care for him. To love him. Will you do that anak?" Sabi ni Daddy habang nakatingin sakin.

This is the first time na nanghingi sakin ng pabor sila Mom and Dad. They gave everything to me even the things I didn't asked for. Huminga ako ng malalim at ngumiti.

"I'll try my best." At napainom nanaman ako ng tubig.


Kinabukasan, pumasok na ako. Hinihintay ko su Yumi sa entrance ng building namin nang makarinig ako ng malakas na harurot ng sasakyan. Napatingin ako sa gawi na 'yon ay nakita ko ang isang sports car. Pumarada iyon sa tapat ng building namin. Sa harap ko.


Bumukas ang driver seat nito at lumabas ang isang matangkad ba mestisong lalaki. Tayo tayo ang buhok niya at medyo malaki ang pangangatawan. Sumunod naman ay bumukas ang front seat, nanlaki ang mata ko ng lumabas doon si Mark.


Tinotoo nga siguro ng Mama niya ang sinabi nito kagabi na kukunin lahat sakanya pati ang sasakyan niya kaya naman ngayon nakikisabay siya sa kaibigan. Kinabahan ako ng nakita kong papalapit sila sa may gawi ko. Nag madali ako na kumuha ng libro sa bag ko at nag kunwaring nag basa.


"What's your problem ba? Where's your audi? And why do you need a place to crash?"

"My mom. She freeze my account and kicked me out of the house she took my car as well. She told me that I'm engaged with some pale woman." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Pale?! Well, I'm pale naman talaga pero that's not how you describe a woman!

"Woah there! Engaged? To who?"

"Sarah! Late na tayo!"


Kagad akong kinabahan at napatingin ako sa gawi ng tumawag sakin. Yumi! Agad akong tumayo sa kinakaupuan ko at tumingin ako saglit sa nag uusap. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Mark na masama ang tingin sakin.


"Uh uy!" Ngiti ko sakanila at kumaripas na ako ng takbo kay Yumi at hinila sya paalis dun.

"Alam mo yang bibig mo dapat tapalan talaga eh! Napaka wrong timing mo!" Bulyaw ko sakanya pag ka akyat namin sa classroom.

"Huh? Ano meron e tinawag lang naman kita?" Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Naka dukmok lang ako arm chair at dinamdam ang kahihiyan na nangyari kanina.

"Huy ano ba nangyayari sayo? Kahapon ko pa napapansin na wala ka sa katinuan. Buntis ka ba?" Kagad akong napaangat ng ulo sa sinabi niya. Nakita kong nakatingin samin ang iba namin mga kaklase dahil sa narinig nila kay Yumi.

"Buntis? Ano Virgin Mary lang? Bigla mabubuntis ng walang jowa ganon?" Fiancé meron.

"Wow sana all virgin!" Tili nanaman niya kaya napatingin nanaman yung mga kaklase namin. Sa sobrang hiya ko tumayo ako at tumakbo papuntang cr. Naramdaman kong nakasunod sakin si Yumi.

"Alam mo hindi kita aasarin ng ganito kung sinabi mo na sakin kahapon pa. Hindi ako titigil na kakasabi na buntis ka hanggat—"

"Punyeta." Tinakpan ko ang bibig niya at luminga linga sa paligid chinecheck ko kung meron taong makakarinig. Tumakbo ako sa pintuan ng cr at ni-lock yun.

"Major secret 'to okay? You can never tell anyone Yumi!"

"Copy. Ano ba yan? So buntis ka nga?"

"Tigilan mo na nga yang kakabuntis mo dahil hindi ako buntis! I'm engaged." Nasapo ko ang noo ko sa nasabi ko.

"Engaged? Huh? May naging jowa ka ba na hindi ko alam?" Nag tataka niyang tanong.

Kinwento ko sakaniya ang naging pag uusap namin ni Ninang Susan at yung nangyari kagabi sa dinner table. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig.

"Teka sasabog na laman ng utak ko I need to process everything." Sabi niya habang nakahawak sa sentido niya.

"Hindi pa ako ready maging maid of honor Sarah! Bata pa ako!"

"Gaga! Wala naman kasalang magaganap eh. Papatinuin ko lang daw yung mala-demonyo niyang anak." Na feeling ko ay hindi ko magagawa.


Pag katapos 'ma i process' ni Yumi ang mga sinabi ko lumaba na kami sa cr at lumakad bumalik sa classroom. Malapit na kami sa classroom nang mapatigil ako dahil may pamilyar na nakatalikod sa labas ng classroom namin. Sumilip sa likod niya ang president ng klase namin ay tinuro ako.


"Ayun si Sarah oh." Turo niya sakin at napalingon si Mark sakin.

"Eto ba fiancé mo?" Kalabit sakin ni Yumi. Hindi ako sumagot dahil nag lalakad siya papunta sakin. Nawalan ako ng sasabihin dahil kinakabahan lang ako. Pinagpapawisan ang mga kili kili ko!

"Sabihin mo sa Ninang mo ako na lang mag papatino sa anak niya. 2500 per day na lang."

"We need to talk." Bungad niya sakin pag lapit niya. Yun lamang ang sinabi niya at naglakad na paalis. Tinignan ko si Yumi at tinataas taas niya ang kilay niya.

"Usap daw kayo teh. Goodluck!" Tapik niya sakin.


Sinundan ko si Mark pababa ng building namin. The eyes of the students mostly girls are on him. I can't blame them though. I think he's six footer, his hair is jet black na medyo mahaba, nasa gitna ang hati nito. I am five meters away from him pero naamoy ko hanggang dito ang pabango niya. Teka, saan ba kami pupunta?


Nag lakad kami hanggang sa nakarating kami sa likod ng lumang building ng College of Science. Ngayon ko lang nalaman 'to meron palang ganito dito? At walang dumadaan na mga tao.


"Care to tell me about the bullshit my mother planned?" Nakatingin na siya sakin ngayon at nakahalukipkip. Bilugan ang mga mata niya at natural na mapupungay. Matangos ang ilong niya katulad nang sa Mommy niya. Ang kurba ng mga labi niya ay maganda at mamula mula.

"I didn't brought you here to stare at me." Napakurap ako sa narinig ko.

"Sabi lang niya sakin bantayan kita at tulungan sa studies mo." Paliwanag ko.

"'Yan na ba ang ibig sabihin ng engaged ngayon?" Masungit niyang sabi.

"I'm just helping out your mom! She doesn't know what to do with you anymore. She's stressed!"

"Tell her to cut this bullshit. I'm leaving." Sabi niya at tinalikuran ako at nag simulang mag lakad.

But I've decided that I will help him no matter what.

"No." Iritable siyang bumaling sakin.

"What?"

"I said no. I'll be your fiancé until your grades are back to normal and kapag hindi ka na nakikipag away." Matapang kong sabi.

"Suit yourself." Irap niya at naglakad palayo.


Napasubo ata ako!

My Husband is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon