Chapter 2: [Make-Over]

13.3K 336 4
                                    

Ito na..

This is it!

This is really is it!

Naloloka na ako eh. Ito na nga kasi yung araw na magiging maganda na ako. Ang balak ng KLAPS na make over para sa akin!

Nagdadalawang isip nga ako kung papasok pa ba or hindi.

Kapag hindi ako pumasok, SAYANG NOTES.

Kapag pumasok naman ako, TULOY ANG TRANSFORMATION.



Oh, Lupa! Bumuka ka at kainin na ako ngayon na please!

"Dennice! Tumayo ka na diyan! May naghihintay sayo sa baba!" sabi ni Yaya Melay.

"Sge po. Sandali lang po." sabi ko naman.

Huh? Sino kaya yun? Ang aga aga! Atyaka, hello?! May pasok pa kaya ako. Hindi ko siya maaasikaso.

Naligo na lang ako.

Nagbihis.

Sinuot ang malaki at makapal kong eyeglasses.

At nagsuot ng super baduy daw na damit.

Hindi kami naka uniform sa school, dahil nga daw pang sosyal yung school na yun.

After ko magbihis, bumaba na ako.

Napanganga ako sa nakita ko.

"Ikaw?! Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapunta dito? Paano mo nalaman bahay ko? Paano? What are you doing here?" OA ba? Nagulat nga kasi ako.

Hindi ka ba magugulat eh si Viniel Ocampo nasa sofa niyo, feel at home?

"Dennice. Shut up, will you? First of all, napilitan lang ako. Kaya ako nandito, pinasundo ka ni Ate Erica sa akin. Paano ko nalaman bahay niyo? Sinundan ka ng driver ni Ate Laken kagabi, para malaman tong address niyo. Atyaka ang OA mo makareact! Dalian mo nga, malelate na tayo." sabi niya.

Kahit kailan talaga, ang sungit niya.

Nagmadali na ako. Hindi na nga ako kumain eh.

And besides, nakakawalang gana.

Panira ng araw!

"Tara na." sabi ko.

Nauna na akong lumabas ng bahay sa kanya.

"Teka lang naman. Bakit ka ba nagmamadali Dennice?" sabi niya.

"Eh akala ko ba malelate na tayo? Ito  na nga oh. Ito naman gusto mo di ba? Ang magmadali ako? Atyaka sa susunod wag mo ng susundan yung Ate Erica mo kung hindi din naman labag sa loob mo! Panira ka ng araw Viniel! Alam mo yun?" sabi ko. Eh nabadtrip ako ng sobra eh.

"Tss. NERD!" sabi niya.

Hindi ko na lang siya pinatulan. Sumakay na ako sa kotse niya. Sa likod. Tapos bigla siyang nagsalita. "Bakit diyan ka uupo? Dito ka sa shotgun seat! Nagmumukha akong driver mo eh!" Grabe, ang arte! Lumipat na lang ako ng shotgun seat nang hindi kumikibo.

The Princess with her FairiesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt