Chapter 43: "Sundan mo yang tibok ng puso mo anak. Mag-isip ka ng mabuti."

2.9K 64 2
                                    

*DENNICE'S POV*

8pm na, pero hindi pa din ako bumababa ng kwarto ko. Ilang araw na nga din akong di kumakain eh. Kasi hanggang ngayon depressed pa din ako. Gusto ko mang balikan na ulit si Viniel, kaso naaawa din ako sa sarili ko. Hindi na muna ako nagtext, ni-Twitter hindi na din. Wala akong social life, pati barkada hindi ko na din nakakausap. Napakalaking impact ni Viniel sa buhay ko.

Alam kong, ako yung pumili nito. At ngayon pinagsisisihan ko. Wala naman akong magagawa, kailangan ko din namang isipin yung sarili kong kapakanan. Hindi pwedeng puro ibang tao ang iniisip ko. Alam na ng parents ko ang lahat, nagulat nga ako nung nalaman kong kilala din pala nila ang mga Ocampo. Dahil nga siguro sa negosyo. Di ba nga, mayaman din naman kami. May business din kami sa ibang bansa.

Ang pagkilala ng mga magulang ko sa Ocampo eh di kaya ang maging susi sa lahat ng problema namin? I mean, kung makikipag deal ang negosyo namin sa mga Ocampo, pwede bang kami na lang ni Viniel ang magpakasal?

"Iha, kain ka na!" sigaw ng isang babae sa baba. Hindi naman si Manang yun dahil hindi naman niya kaboses. Meron ba kaming bagong katulong? "Hindi na po muna ako kakain." sagot ko. "Aba, bata ka! Balita ko ilang araw ka ng di kumakain ah?" sabi ng isang pamilyar na boses ng lalaki. Hindi naman si Manong yun dahil hindi din naman niya kaboses. Hala? Sino 'tong mga nagyayaya sa aking kumain? "Hindi ka man lang bababa?" sabi ulit nung babae. At dahil curious ako.. "Ito na! Baba na ho!"


Nagbihis ako bago bumaba. Sino kaya yung mga yun? Haha. Bumaba na ako ng sala at nabigla ako sa nakita ko..

"MOMMY! DADDY!" sabi ko sabay yakap sa kanilang dalawa. "Hi, my princess!" sabi ng daddy ko. OK. Naalala ko nanaman si Viniel. Di ba nga my princess ang tawag niya sa akin dati? "Anak, you okay?" tanong naman ni Mama. "Uh, yes. Ma, Pa, bakit di man lang kayo nagsabi na uuwi kayo?" "Gusto ka kasi namin isurprise anak." sabi ni Daddy. Nuxx! Haha. "Madami tayong dapat pag-usapan, Dennice." dagdag pa niya. "Ano naman yun, Dad?" "Kumain na muna tayo." yaya ni Mommy.

After mag-dinner.. (10pm)

"Anak, ang sabi ni Yaya Melay madalas ka daw hindi kumakain?" -Mommy

"Opo." sabi ko sabay napayuko.

"Bakit anak? Pinapabayaan mo na ba ang sarili mo?" -Daddy

"No, dad."

"May problema ka ba?" -Daddy

"Yes, dad."

"Then what is it anak?" -Mommy

"Kilala niyo naman po si Viniel di ba?"

"Yes." -Mommy

"Your boyfriend, right Dennice?" -Daddy

"Yes, Dad. Cool off po kasi kami for some reasons."

"Mahal mo ba?" -Mommy

"Oo naman, Ma. Sobra."

"Sundan mo yang tibok ng puso mo anak. Mag-isip ka ng mabuti." -Daddy

The Princess with her FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon