Chapter 27: [I'll make her feel special today]

3.4K 78 5
                                    

*VINIEL'S POV*



Nandito na kami sa classroom ni Dennice ngayon. Hindi ko naman ikakaila na maganda siya ngayon eh. Actually, araw araw maganda naman siya. Pero iba yung ganda niya ngayon eh. Yung parang may pinaghuhugutan? Tinanong ko naman siya kung bakit iba ang aura niya ngayon, ang sabi naman niya. Feeling niya daw may mangyayaring iba ngayon.

Ako naman siyempre, biglang napaisip. Paano kung walang mangyareng iba ngayon? Mabibigo ang gilfriend ko. At dahil gusto kong mapasaya si Dennice, meron akong naisip. If she wants to feel special today, I'll make her special. Mahal ko siya eh.

Nandito kami sa classroom, magkahawak pa din ang kamay namin ni Dennice. Nandito na rin ang KLAPS. Ang aga pa nga eh. Hindi ko alam, pero sa tuwing papasok ako sa room lagi namin naabutan yung KLAPS na kumpleto agad. Yung totoo? Dito ba sila natutulog sa school? Hindi naman siguro, kasi sila Ate sa bahay pa din naman natutulog.

Tama na ang satsat, I have to make a move para maging special ang araw na to sa amin ni Dennice. Eh kasi ilang days na lang, hindi nanaman kami. I mean, di ba? After ng day na to. 3 days na lang, tapos na ang deal. Single na ulit ako. Pero siyempre, magtatapat na ako sa araw na matatapos na yung deal. Sa Sabado yun, I'll surprise her. JUST WAIT.


At para hindi halata na may gagawin akong something special for her today, itext ko na lang si Ate Erica. Si Ate Erica kasi, siya yung madiskarte sa aming tatlong magkakapatid. Kaya niyang diskartehan lahat, except for one thing. Ang sarili niyang lovelife, hindi niya kayang diskartihan.

To: Ate Erica

Ate, I need your help. Hindi lang ikaw, lahat kayo ng KLAPS. Except for Dennice siyempre. Dahil issurprise ko siya. Are you willing to help? Textback, asap.

Umupo na kami sa pwesto namin habang hinihintay yung teacher. Nakita ko namang nabasa na ni Ate yung text ko. At sigurado ako dun, dahil tumingin siya sa akin at nag smile. Agad naman siyang nagreply.

From: Ate Erica

Osige, kami na ang bahala sa venue. Mamayang break time, kayo na muna ni Dennice ang mag-sama. Kami namang KLAPS, kami na ang bahala. Leave it to me, bro. Kaya 'to ng Ate mo. Basta ang pagka abalahan mo, ang girlfriend mo. ;)

Natuwa naman ako sa text ng Ate ko. Kahit kailan, hindi niya ako binigo. Silang dalawa ni Ate Laken, lagi kasi silang nandyan para sa akin. Kahit na minsan, puro na lang sakit ng ulo at kalokohan ang hatid ko sa kanila.

Hindi ko na nireplyan si Ate, dahil nandito na yung teacher namin. Atyaka kahit hindi naman ako magreply, alam ko naman na hindi magiging disaster ang plano. Siyempre, ate ko yan. May tiwala ako sa kanya. Alam kong hindi ako bibiguin niyan. Isama mo pa ang KLAPS, kahit maarte yang mga yan mapagkakatiwalaan din noh.

(After 1st and 2nd period)

Tapos na and 2 consecutive subjects period namin. So ibig sabihin, break na namin. 1 hour break lang naman. Kasi maaga pa. 9am pa lang, may klase pa kami ng 11am to 1pm mamaya. Pinuntahan ko na si Dennice sa place niya habang siya naman nag-aayos na ng bag.

The Princess with her FairiesOnde as histórias ganham vida. Descobre agora