Chapter 36: [untitled]

2.5K 60 2
                                    

*DENNICE'S POV*

Sunday na ng umaga, pero wala pa din. Hindi pa din kami pinapansin ng barkada. Sa iisang kwarto din kami natulog pero hindi kami nag kikibuan. Napaka awkwad ng atmospehere. Gusto ko man silang kausapin pero sa tingin ko, ayaw naman nila akong kausapin.

Masakit, oo. Dahil daig ko pa ang hangin kung tratuhin nila. Pero, alam kong mali din kami. Dahil pinagkatiwalaan nila kami, pero niloko lang namin sila.

Maaga kaming gumising ni Viniel para maghanda ng breakfast para sa barkada. At sana, sa pamamagitan ng almusal na'to ay magkausap usap na kami tungkol sa problema. Gusto ko, bago kami umalis ng Tagaytay, maayos na ang lahat.

After 1 hour.

Nahanda na namin ang dining table, at sabay nito ang pagbaba ng barkada galing sa kwarto nila. Ayan nanaman, ang awkward nanaman ng atmosphere.

Pagka-upo ko biglang..

"Sa labas muna ako, papahangin lang." -Erica

"Beb, hindi ka ba muna kakain? Mamaya ka na magpahangin, sasamahan pa kita." -Gab

"No, babe. Mamaya na ako kakain."

Tuluyan ng lumabas si Erica, at sinundan naman ni Gab. Naiwan ang ibang barkada na tahimik lang. Awkward silence ang bumabalot sa amin. Ni hindi nga makatingin ng mata sa mata eh.

*GAB'S POV*


Sinundan ko si Erica na papunta sa garden. Kung ako naman ang tatanungin, wala naman akong sama ng loob kay Viniel at Dennice eh. Actually, balak ko pang magkabati bati sila. Hindi kami sanay na tahimik sila. Dahil kilala sila sa pagiging madaldal.

Oo, sobrang babaw ng pinag-awayan nila. Pero hindi natin sila masisisi. Kanya kanyang nararamdaman yan di ba?

"Baby, ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.

"Oo, ayos lang ako. Medyo nawala sa ganang kumain. Pumasok ka na, kumain ka na dun."

"Wag ka ngang magsinungaling, alam kong di ka okay."

"Labo mo, Gab. Nagtanong ka pa, alam mo naman pala." Oo nga naman. Mukhang ang init na ng ulo niya. Kasi, ang sungit na niya eh.

"Babe, second day mo? Lakas mo maka-PMS ah."

"Kung mang-iinis ka lang, pumasok ka na sa loob. Di kita kailangan."

Hala. Nagalit na nga. Umupo siya sa may bench, at ako din naman umupo sa tabi niya at pasimpleng umakbay. Siyempre, dumadamoves. Walang mangyayari kung nganganga lang ako di ba.

Naramdaman ko namang pinatong ni Erica yung ulo niya sa balikat ko.

"May problema ka, at alam ko yun."

"Alam mo naman pala eh. Ikaw talaga, inaapakan mo nanaman utak mo."

The Princess with her FairiesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant