Chapter 40: [Disaster]

2.4K 49 4
                                    

*VINIEL'S POV*


Nandito ako sa may gate ng school, hinihintay lumabas si Dennice. Hindi ko kasama si Kristine, tinakasan ko. Nakakairita na yung babaeng yun! Dikit ng dikit, parang linta.

Hindi ko na nga nakasama ang barkada dahil sa kanya eh. Ni hindi ko na nga nakasama ang gilfriend ko dahil sa kanya.

Alam kong nagtataka ang barkada, lalo naman si Dennice. Wala silang kaalam alam sa mga nangyayari. Hindi ko pa kasi dapat sabihin, hindi pa ako handa.

After 15 minutes..

"Dennice!" sigaw ko. Nakita ko na ang girlfriend ko. Kailangan kong bumawi.

"Bakit?" tanong niya na walang emosyon. Tss. Malamang, inis na inis na to. Ni hindi nga tumingin sa akin eh. Siyempre, galit.

"Pwede ba kitang ihatid?" tanong ko. Sht, sana pumayag! Pambawi na rin to. Hindi siya sumagot, pero tingin siya ng tingin sa may likod ko na parang may hinahanap.

"Huy, sino bang hinahanap mo?" tanong ko. Eh tingin pa din ng tingin sa likod ko eh.

"Asan na yung future wife mo? Bakit hindi mo kasama?" sabi niya sarcastically. Sira ulo kasi si Kristine eh, ano anong pinagsasasabe. Sarap kaltukan. Babanat na nga lang ako.

"Future wife ko? Hinahanap mo?"

"Oo, obvious ba? Yung Kristine ba yun? Yung Kristine na kung makakapit diyan sa braso mo na parang linta." sabi niya. Ang bitter niya noh? Kaya mahal ko eh! Haha.

"Tss. Yung future wife ko nasa harap ko lang, kausap ko. Hinahanap niya nga yung linta na kung makakapit sa braso ko kanina eh aish." sabi ko na lang. Wala siyang nasabi, namula nga siya eh.

"Ano, pwede ko bang ihatid ang gilfriend ko?" tanong ko ulit. Papayag na to. Haha. Konting kembot na lang. Joke.

"Oo na. Ihahatid na ako ng boy-"

"Viniel, nandito ka lang pala!" sigaw ng babaeng pamilyar ang boses. Tss. Alam niyo na kung sino di ba? Eh di yung haliparot na feeler na hitad na feeling girlfriend ko.

"Ayan na pala yung FUTURE WIFE mo, BABE eh!" sabi naman ni Dennice. Halata namang gusto niyang asarin si Kristine eh. Haha. Pero alam ko, malapit ng mabadtrip to.

"How dare you to call my fiancee your Babe, MISS?"

"Weh? Totoo? Viniel, tell me. Engaged na ba kayo ng lintang to?" tanong sa akin ni Dennice.

"Hindi pa, Babe. Bakit?" sagot ko. Eh di naman talaga eh.

"Lolwhut, Miss Kristine. How dare you to call my boyfriend your fiancee? Eh hindi pa nga kayo engaged? Ano yun? PBB TEENS?!" -Dennice

"Now, tell me Viniel. Is she your girlfriend?" tanong ni Kristine. Lakas ng loob magtanong ng babaeng to. Eh mapapahiya din naman sa isasagot ko.

"YES. Bakit? Do you have any problem with that?" sagot ko.

Ayun, si Kristine. Nga-nga. Eh patulan ba naman si Dennice, eh parang lalaki to kung pumatol eh. Ang tanga talaga. Sus.

"Babe, hatid mo na ako sa amin?" tanong ni Dennice.

"Osige, tara na." sabi ko sabay hawak ng kamay ni Dennice. Oo, iiwan ko si Kristine. Ano ba yan, buong araw ko na siyang kasama tapos aagawin niya pa ako sa girlfriend ko?

Naglalakad na kami ni Dennice papuntang carpark ng biglang nag vibrate yung phone ko.

Bzzt. Bzzt.

From: Kristine

 Asan ka? Hahatid mo ba yang babaeng yan or sasamahan mo ako sa mall? Tandaan mo Viniel. madami akong pwedeng gawin. Pwede kong gawing miserable yang buhay ng gilfriend mo.


Napaka childish naman ng babaeng to! Eh ano pa bang choice ko? Bibitawan ko nanaman si Dennice, tapos sasamahan ko siya sa Mall. Eh baka galawin niya pa si Dennice, mahirap na. Ano ba yan!! Nakakairita na to ah.

"Babe, ok ka lang?" tanong ni Dennice sa akin. Eh namamawis na ako dito sa sobrang pag-iisip eh.

"Babe.."

"Hm? Bakit? Is there any problem?"

"Hindi kita mahahatid ngayon eh. Kase ano.."

"Ok, ayos lang." sabi niya pero ang cold ng boses. Malamang Viniel, alangan namang tatawa siya eh hindi mo na nga mahahatid.

"Sor-"

"Ok, bye." sabi niya sabay walk out.

Badtrip naman to. Imbis na makabawi ako, lalo pa akong na-bad shot sa gilfriend ko.

Pinuntahan ko na si Kristine kung saan ko siya iniwan kanina, ayun nakangisi ang demonyita.

"Babalik ka din pala, may pawalk out walk out ka pang nalalaman."

"Shut up."

"Sungit mo ah. Second day?"

"Tara na."


Naglakad na kami papuntang carpark. At sumakay sa kotse. Sa shotgun seat siya umupo. Namimiss ko na yung mga times na si Dennice ang nakaupo diyan sa shotgun seat. Panira kasi tong Kristine na to eh.

"Ok ka lang, future husband? Ano pa lang sabi ng gilfriend mo?" pang-aasar niya.

"Wag na wag mong gagalawin si Dennice. Or else, makakatikim ka, Kristine."

"Woah. Takot ako dun ah. Lol."

"Shut up, wag mong guguluhin ang gilfriend ko, pati ang mga barkada ko. Kundi, di mo alam kung ano ang kaya kong gawin."


Nanahimik kami the rest of the trip hanggang sa nakarating na sa mall. Sinusundan ko siya, pero hindi ko siya kinikibo. Badtrip ako ngayon, sa kanya. Sa babaeng hitad na to..

The Princess with her FairiesWhere stories live. Discover now