Chapter 1

894 30 9
                                    

 “Chari, eto na yung flashdrive. Pa-xerox mo na lang yung files natin jan ah.”

“Chari, yung article mo daw sa editorial page, hinihingi na ni Ms. Arhea.”

“Chari, wala pa tayong presentation para sa Friday.”

“Chari, hinihingi na ni admin yung proposal natin.”

“Chari, yung water rocket…”

“Chari, pengeng papel…”

“Chari, walang tinta ballpen ko…”

“Chari...”

“Chari...”

“STTOOOOPPP!!!”

Napatigil lahat ng nasa paligid ko. Nagtataka silang nakatingin sakin habang nakatakip pa din yung dalawang kamay ko sa tenga.

Sabay-sabay ba namang tumalak sa harap ko, sinong hindi mabubwisit sa ganon? Tsk.

“Isa-isa lang, okay? Hannah, ikaw na ang magpa-xerox nyan. Simpleng bagay lang sakin mo pa iaasa. Ikaw naman, Aila, maggawa ka na ng steps. Pano ba sila magpa-practice kung wala pa man lang kanta at intro. Yung ayaw makipag-cooperate, pabayaan mo. Wag na sila kamong um-attend ng highschool night kung ganon!” sinadya kong lakasan ang huling sinabi ko para marinig ng lahat. “Yung mga may reklamo pa jan, you can leave a sticky note on my desk. For now, gogora muna ako kay Ms. Arhea. Babush!”

Dali-dali na akong lumabas sa room. Mahirap na, baka may umangal pa.

Teka, san pa nga ako pupunta?

Ahh... kailangan ko pa nga palang papirmahan yung proposal sa adviser namin bago pumunta kay Admin.

Ang dami ko pang ipa-follow up at aayusin. Ultimo program ng highschool night, sakin pa pinapagawa eh. -__-

Di bale, keri ko to.

Para san pa’t tinawag nila akong SUPERGIRL kung hindi ko magagawa ng maayos ang mga utos nila, diba?

“Maam, eto na po yung article ko sa editorial at sport page.”

“Thank you, hija. Ilagay mo na lang jan sa table katabi ng drawer.”

Ipinatong ko naman agad ang dala ko doon.

“Sige po, maam. Alis na po ako.”

“Wait, Ms. Mistral.”

“Po?”

“Pakidala naman tong files sa office ni Mr. Roman.” inabot nya sakin yung isang tambak na folder.

“Okay po, maam”

Tsk. Di ko pa man natatapos yung mga kailangan kung gawin, may panibago na agad utos sakin. >._<

Naalala ko yung sinabi sakin ng isa kong classmate. I should be a student assistant rather than being just a regular student dahil sa dami ng errands na pinapagawa ng faculty sakin.

Atleast don, may sweldo pa. Oo nga naman.

Well, what could I do?

Nakapasok lang naman ako dito dahil sa scholarship. I don’t have the guts to complain.

Isa pa, they all trust me, ayokong mawala yon o madisappoint sila sakin. Masyado na akong maraming sinakripisyo to be as high as this.

I was once an outcast here…

They used to call me FREAK, WEIRD, TRASH, ALIEN or just any not-so-good-to-hear names. All of my classmates dislikes me. Sino nga bang tanga ang gugustuhing sumama sa isang babaeng bukod sa broken family eh mas mahirap pa sa daga. Wala naman diba? Tsk talaga.

Hide-And-SeekWhere stories live. Discover now