Chapter 5

499 20 13
                                    

--- Chari’s P.O.V ---

Variety Show.

Kada-section ay may nakahandang production number. Hindi basta-basta ang mga ipe-perform dahil bukod sa may entrance fee ang panunuod, ay mananalo din ng cash prize yung best performer.

Nag-draw lots kanina para dun sa arrangement ng prods. Luckily, panghuli ang section namin.

“Chari, let’s go!” tawag sakin nung classmate ko habang nagmamadaling mag-ayos ng damit nya.

Short musical play ang napagkasunduan naming gawin kaya kailangan pang mag-costume.

“Matagal pa ako dito eh. Sige, una ka na.”

“Sunod ka ah. Dalian mo, patapos na yung 3-B.” sabi pa nito bago lumabas sa dressing room namin.

Badtrip.

Wrong timing naman kasi. Nagkawardrobe malfunction at nasira yung costume ko, kailangan pa tuloy tahiin.

Tsk. Naiwan tuloy akong mag-isa dito, lahat sila nasa labas na at iniintay matapos yung kasalukuyang nagpeperform.

Pangalawa na kami sa susunod kaya kailangan ko ng madaliin to.

“Chari…

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at papalapit na yabag sakin. Nakaharap ako sa pader kaya hindi ko kilala kung sino mang istorbo yung pumasok.

“Hindi pa ako tapos dito. Mauna na lang kayo don.”

“Chari!”

Napatigil ako sa pagtusok ng karayom sa tela at lumingon sa likod dahil sa galit na boses na tumawag sakin.

“S-sir?”

“Anong ibig sabihin nito, ha?!” ipinakita nya ang isang picture kung saan magkalapat ang labi namin ni Champ.

Teka... yun yung aksidente sa wedding booth ah!

“Wait. That was just an accident. Wala namang malisya yan eh. We're friends.”

“Wag mo akong gawing tanga, Chari!” iniwaras nito ang picture at lumapit sakin.

“T-totoo yung sinasabi ko alam ng lahat na hindi sinasadya ang nangyari sa wedding booth.”

“I don’t need your lies, you bitch!” halos namanhid ang kaliwang pisngi ko dahil sa pagsampal nya. “Tandaan mo, akin ka lang! I’m your boyfriend kaya akin ka lang!” mahigpit nya akong hinawakan sa balikat. “Nahalikan ka na ng bestfriend mo, pero bakit ako hindi pa? Why don’t we do it now, huh?”

“A-aray ko…sir ano…ba?! Tigil… Tigilan nyo…ako!”

Nagpapalag ako pero mas malakas pa din ito sakin. Natumba kami sa sahig na sya ang nakapaibabaw. Mas lalo akong nawalan ng lakas at nagawa nyang ilagay ang dalawa kong kamay sa ulunan.

I have no choice but to just close my eyes. Ramdam na ramdam ko yung mga luhang umaagos mula sa mga mata ko.

Oh God, please no…

“Sir, sarap ng pwesto natin jan ah. Pa-share naman.”

Hindi ko namalayang may nakapasok na pala and when I opened my eyes…

Shit! Of all people, why him?!

“Umalis ka na, Mr.Ocampo. hindi ka kailangan dito.”

“C-chase, tulungan mo ako…” sabi ko sa kanya habang sinusubukan pa ding makawala kay Sir. Roman.

Hide-And-SeekWhere stories live. Discover now