Chapter 8

465 16 21
                                    

Dedicated to her dahil tuwang-tuwa ako tuwing magco-comment sya. xDDDD

Buti na lang anjan sila ni crazygirlsara na sumusuporta dito. :3

Nakakatampo YUNG IBA. Nagbabasa pero kahit comment o like, wala. Tss talaga. Damayan ko ngayon si Chari, parehas kaming bitter. -_____-

                                                                                         -Secondary Jazz ♥

--------♥--------

Wednesday.

Dali-dali akong pumasok sa room para maunahan ang teacher sa next subject namin pero it’s too late, nakatayo na si Sir. Roman sa unahan at nagsisimula na sa lectures.

“You’re already late, Ms. Mistral!”

“Sorry, sir. I accom—”

“This will be the last time that I will accept your lame excuses. Go to your seat now!”

Nakayuko akong dumiretso sa upuan ko.

Alam kong lahat sila nakatingin sakin. First time na may nagpahiya saking teacher, sa harap pa ng mga classmates ko.

Sabagay, expected na naman to. Simula nang mangyari yung sa variety show, hindi na sya nagtext o tumawag.

Good news naman di ba? Atleast, nabawasan na ang mga problema ko.

Pero hindi eh. Sigurado akong hindi pa sya tapos sakin.

Sa tatlong taon naming mag-on, nakilala ko na din ang ugali nya. Hindi sya titigil hangga’t hindi nakakabawi sa kaaway nya. He wants to see that person suffering.

Yeah, he’s really creepy. >___<

“Answer your assignment. I’ll be checking it tomorrow. No excuses, understand?” 

“Yes, sir.”

Alam kong hindi bukal sa loob ko ang pagsasabi non. Pero alangan namang ako lang ang hindi umimik saming lahat hindi ba? Edi nalintikan nanaman ako. Tss.

4 pages lang naman ang assignment namin at syempre, nakakadugong computations at problem solving ang nakalagay don.

Ang dali lang noh? Grabe. Insert sarcastic tone there.

Kung pwede lang makagraduate na hindi nagte-take ng math, ginawa ko na.

Bakit ba kasi nilagay pa sa curriculum na required ang lahat na kumuha ng subject na math?

Pag ba magtataho ka, kelangan mo pang alamin ang radius at parameter ng cup na gagamitin mo? Pwede mo bang sabihin ang sukli ay 3 raised to the 10th power divided by 6 square root of 10?

Hindi naman di ba? Psh. Nakakabobo lang mag-isip ng numbers. Kung pwede lang ipakulam ang mga nakaimbento ng mga theorem at equation, baka ako pa ang namuno sa assassinations nila. -____-

“Champ, Tulungan mo naman ako oh.” sabi ko sa kanya nang makalapit ako.

“Saan? Sa assignments?”

“Oo eh. Alam mo namang mahina ako sa lesheng trigo na yan.”

“Sige, sige. Ako na ang bahala sayo.” kumindat pa sya bago kunin ang notebook ko.

“Ayyiiieeee~!!! Champi! Champi!”

Nakita pala ng mga classmates namin yung ginawa nya kaya ayun, nagsimula nanamang magtuksuhan.

“Tumigil nga kayo! Hindi kami talo, di ba Champ?” tumingin ako kay Champ pero tawa lang din sya ng tawa. “Ano ba? Wag ka ngang tumawa jan! Baka isipin nila, tuwang-tuwa ka pa sa mga pinaggagagawa nila!”

Hide-And-SeekWhere stories live. Discover now