Chapter 2

593 18 16
                                    

Pabalik na ako sa office ng SBO. Atlast, napirmahan na din ni Admin yung live band na hinihingi namin tuwing may party. Excited na akong ibalita sa council yun. I’m sure, sobrang matutuwa sila. ^______^

“Ms.Mistral!” napalingon ako sa likod nang may tumawag sakin.

Si Ms. Ferrer pala, guidance councilor namin.

Tumakbo ako palapit sa kanya.

“Pabantay naman saglit dito, anak. Pinapatawag lang ako ni Judge eh.”

“Po? Eh... Ano po kasi…”

“Saglit lang naman ako. Please, hija, wala talaga akong ibang mapagbilinan. Alam mo namang sayo lang ako may tiwala pagdating sa mga ganto.”

“Sige na nga po. Kung hindi nyo lang ako binola eh.”

“Sus. Ikaw talagang bata ka. Oh sige na, alam mo naman ang gagawin diba? Saglit lang naman ako.” sabi nito bago dali-daling nanakbo palayo.

Pumasok na ako sa guidance office.

*sigh*

Ang boring dito. -_______-

Sobrang tahimik. Wala man lang radyo o TV. Kuripot talaga ang school oh. >___<

Tiningnan ko yung log book na nakapatong dun sa desk.

Karamihan don ay ang mga notorious na 3rd year student ang nakapangalan.

Hindi na ako magtataka. Ibang-iba ang junior students ngayon sobrang rebelde at wild nila. Even the teachers can’t stop them.

Sa kanila ko lang din nalaman na importante pala talaga ang salitang GAGO, TARANTADO, WALANG MODO, BARUMBADO at SIRA-ULO. That fits them since sila ang pinaka war freak sa lahat ng year level.

Maski ako, ilag na mapunta sa room nila. Mahirap na makuyog. Kahit babae, pinapatulan eh. Para kang nasa impyerno.

Pagkatapos sa log book, binuklat-buklat ko naman yung mga dating year book na naka display don.

Engrossed na engrossed ako sa panlalait dun sa picture ng mga lalaking naka-army cut nang biglang may lumagabog dun sa pintuan.

*dug! boogsh! dum! blag! pak!*

“Putangina ka talaga! Pati syota ko, hindi mo pinatawad. Papatayin kitang gago ka!”

Dali-dali kong binuksan yung pinto nung marinig ko yung sigawan sa labas.

Nakita ko ang dalawang lalaking may pasa sa muka na para bang nakikipagpatayan sa demonyo at isang babaeng umaawat sa kanila.

“Ate Chari, pigilan mo sila. Baka mapatay ni Russel si Chase.” umiiyak nyang sabi.

“Tangina! Ako ang syota mo pero dyan sa sira-ulong lalaking yan ka nag-aalala?! Langya talaga!” sigaw ulit nung lalaking Russel daw ang pangalan.

“Pwede ba?! Tigilan nyo nga yan. Hindi na kayo nahiya, sa loob pa kayo ng school gumagawa ng katarantaduhan! Pumasok nga kayo!”

Hinila ko yung isa papasok habang yung babae naman, akay-akay ang 'boyfriend' nya.

Pinaupo ko sila sa receiving couch habang kinukuha ang logbook.

“Ganyan na ba kayo kawalang modo?! Sa tapat pa kayo ng guidance office nagpapatayan! Ano na lang ang sasabihin ng iba? Na walang disiplina ang mga Carolinians?!”

“Pwede ba, Chari? Wag kang sumigaw. Hindi kami bingi.”

“Shut up, Chase! Hindi porket kaklase kita ay babastusin mo na ako ng ganyan.”

Hide-And-SeekWhere stories live. Discover now