Chapter 3

559 17 8
                                    

Charisma is pronounced as Karisma while Chari is like "Tsari" :))

                                                                                         -Secondary Jazz ♥

-------♥-------

“Now, let us understand the meaning of L-I-F-E. L for love, I is for infatuation, F is for friendship and E is Envy. The first one were going to tackle is love. It’s the strongest among the four. It can be real or just temporal. Some says love is sacrifice. If you love that person, you can sacrifice everything just to make him or her happy...”


Sus. Kalokohan. Paano kung sariling kasiyahan na ang isasakripisyo, tama pa ba yon? Tsk.

Bakit ba kasi ganto topic sa values ngayon? Parang balik sa first year lang. Pustahan, pagagawin nanaman kami ng essay tungkol dun sa apat tulad ng ginawa namin dati. =______=

Saglit na na-interupt ang discussion nang may kumatok sa pinto.


“Maam, excuse me po kay Ms. Mistral at Mr. Fernando. May meeting po ang SBO ngayon with the Academic head.”

Tumayo na ako at nagpaalam muna bago dumiretso dun sa meeting place.

Pagdating namin, sinimulan na kaagad ni Ms. Shiela ang discussion ng details tungkol sa foundation day.

“So this will be the schedule for tomorrow up to Friday. Day 1, thanks giving mass at the morning then yung science fair sa hapon. Day 2, opening of the booths. Day 3, variety show and Friday night is the foundation ball a.k.a highschool night. Wala kayong pasok sa umaga so gamitin ang time na yon to prepare the whole venue, okay?”

“As I said last week, masquerade ang theme ng ball natin ngayon. Pakisabi sa mga kaklase nyo yon. And at the presentation, you should be dancing waltz. Not hip-hop, not cramping kundi waltz, understand? I’m expecting that all of the students here will be on their gorgeous gowns and tuxedos this coming Friday. I want to assign someone to blah blah blah…that’s all. You may now go back to your respective rooms."

Umalis na din agad kami ni Champ para i-announce sa lahat ng 4th year yung schedule.

“Princess, may partner ka na ba sa ball?” tanong nya sakin habang papunta kami sa room 4-C.

“Ha? Kailangan pa ba yon?"

“Oo naman. Bakit? Wala ka pa ba?”

“Wala pa eh. Ikaw,meron na?”

“Wala pa din. Gusto mo tayo na lang?”

“Makakatanggi ba ako sayo? Sige na. Tayo na lang.”

“Subukan mo namang tumanggi sakin. Mawawalan ka ng gwapo at humble na boyfriend.”

“Kapal ah!” pabiro ko syang sinuntok sa braso.

Tumawa lang sya, napangiti na lang ako. Pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong namin.

I know what they are thinking pero sinisigurado ko sa kanilang mali yon.

Teka, nasabi ko na ba sa inyong bestfriend ko ang damuhong ito?

Yeah~ Champ Ezekiel Fernando, my super duper extreme to the nth power bestfriend. He’s every girl’s dream, but too bad, there’s only one girl in his heart and that's surely not me.

Nagtransfer sya dito nung 2nd year pa lang kami. And since ako lang daw ang tanging babaeng hindi “nababaliw” tuwing nilalapitan nya, naging close kami. Ayaw nya kasi sa mga babaeng all-out kung magpa-cute sa kanya.

Well, I can’t blame them, ang gwapo naman kasi ng bestfriend ko. Mabait at gentleman pa, sino ba namang hindi maiinlove don diba?

Pero syempre exempted ako.

Hide-And-SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon