Mistaken Pleasure-3

104K 1K 103
                                    

Author's Note: Ang Chapter po na ito ay bawal na bawal sa hindi open minded! Please, kung ayaw nyong makabasa ng malalang BS ay hwag nyo na pong basahin! Detalye na detalye kasi eh. Hahaha. Ewan ko kung paano ko ito naisulat pero, nasa inyo naman po yon kung babasahin nyo. So, guys, bawal sa hindi open minded ha. Love, Dyosang Author! Haha.

--

Amanda's POV:

PAKSHIT! Yan lang ang tanging masasabi ko sa nangyayari ngayon sa buhay ko. Masama ba akong anak dahil nakipagsex ako sa fiance ng kakambal ko? Oo na! Kasalanan ko na! Dahil nagpadala ako sa letseng sensasyon na yon. Mali eh! Maling mali! Pinapatay ako ng konsensya ko.

"Twin, are you all right?" Napapitlag ako ng bigla akong tawagin ni Myrtle. 

Napatingin ako kay Myrtle at tumango ako. "O-oo." Pilit akong ngumiti sa kanya kahit nahihirapan ako.

Ibinaling ko ang ulo ko sa bintana ng sasakyan at pinagmasdan ko ang mga nadadaanan namin. Wala sa plano ko ang sumama sa bakasyon na sinasabi ni Myrtle. Pero wala akong nagawa nang hilahin nya ako kanina sa airport at isakay sa kotse ni Alex.

Oo! Tama ang nabasa nyo! Nasa loob ako ngayon ng sasakyan ng taong pakakasalan ng kakambal ko. Si Myrtle ay nasa front seat kung saan katabi nya si Alex. Si Alex kasi ang nagdadrive. At ako? Nasa likuran nilang dalawa. Ang saya nga eh! Ang saya ng konsensya ko! Bwisit!

Pupunta daw kami sa Baguio. Yan ang sabi ni Myrtle. See? Mas lalo akong papatayin ng konsensya ko nito dahil kasama ko silang dalawa. Akala ko talaga susunduin ko lang si Myrtle sa airport eh, pero ang nangyari ay pati sa bakasyon nila. Kasama ako. 

"Na miss ko talaga ang Pilipinas!" Masayang sabi ni Myrtle.

"Na miss ko ang pinakamabait kong kapatid!" Bigla akong napatingin kay Myrtle dahil sa sinabi nya. Mabait? Sino? Ako? Saang banda? Pilit akong ngumiti sa kanya. 

"At syempre..." Nakita kong hinawakan ni Myrtle ang mukha ni Alex. "Na miss ko ng sobra ang pinakamamahal ko." I blinked and swallowed hard. Bigla akong napatingin kay Alex sa rear view mirror.

I saw him smile at... me? Napakurap ako at dali dali kong ibinaling ang tingin ko sa bintana ng sasakyan. Bakit feeling ko sakin siya ngumiti? Ako ba talaga ang nginitian nya or si Myrtle? Ano ba naman to. Wala na yung nangyari samin. Alam kong kinalimutan narin nya yon. Pero bakit nong makita ko siya kanina at mahawakan ko ang kamay nya ay para akong kinoryente? I can feel my cheeks turns into crimson red kaya minabuti kong hwag nalang tumingin sa kanila.

Hindi ako pwedeng magtagal sa bakasyon na ito. Dahil kapag hinayaan ko ang sarili ko na mapalapit sa kakambal ko ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masabi ko sa kanya ang kabulastogang ginawa ko. Pero bakit parang kinalimutan na ni Alex ang nangyari? Ang bilis naman yata. Pero mas okay na yon. Mas okay na yung ganito. Tinitingnan ko lang ang magagandang tanawin hanggang nakaramdam ako ng antok. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko and hoping na sana... sana panaginip lang ang lahat.

Mistaken Pleasure SPG (COMPLETED)Where stories live. Discover now